Saturday, August 28, 2010

Si Ella


             Iyon ay isang bakal na pintuang napipintahan ng matingkad na pula. Sa loob nito, makikita ang isang makitid na hagdang-kahoy paakyat sa isang kuwarto na ang pintua’y barnisado at gawa sa mumurahing kahoy. Sa gilid ng pintuan, mayroong maliit na basurahang plastik na kulay bughaw. Napagigitnaan ang magkabilang gilid ng pintuang bakal na iyon ng dalawang establisimyento. Ang isa’y maliit na karinderyang puntahan -dili ng mga tao at isang maliit na tindahang sarisari.
            Nakaupo si Ella sa may bangketa, nakatanghod sa nagdaraan tila humihingi ng kaunting awa sa dahop na kapaligiran. Walong taong gulang si Ella. Pantay-balikat ang nakalugay na maruming buhok. Payat. Humpak ang pisngi. Malamlam ang mabibilog na mata. At sa manakanakang pagngiti’y pinanunungawan ng dilaw na mga ngipin at mangilanngilang bungi. Nangungutim ang suot na puting t-shirt na lampas siko ang manggas at pantay-tuhod ang laylayan. Nakayapak. Mahahaba at pulos marurumi ang mga kuko sa kamay at paa.
            Matamang pinagmamasdan ni Ella ang pintuang iyon. Sa bawat taong nagdaraan, nakalahad ang kanyang munting kamay. Aywan ni Ella kung bakit naging interesado siya sa lugar na iyon. Sa tuwing nagdaratingan ang mga tao sa lugar na iyon, marami ang nagbibigay sa kanya ng barya. At ang mga taong iyon ay pumapanhik sa loob ng kuwartong nasa itaas.
            Matagal nang nakapuwesto si Ella sa bangketang iyon. Napapansin niya na bawat araw, lalo na kung araw ng linggo, ay maraming taong dumarating. At kasabay noon ang pagkahabag sa kanya at pagbibigay ng mga ito ng barya.
            Arawaraw. Tuwing ikaapat ng hapon hanggang maghatinggabi ay may dumarating. Kada oras may limang babae’t lalaking dumarating.
            “Parang simbahan…an’daming pumupunta,”  aniya ng pabulong.
            Napansin ni Ella na ang lahat ng nagpupunta sa lugar na iyon, matapos umakyat sa kuwartong nasa itaas, ay mga nangakangiti at nagtatawanang nananaog.
            Gustong akyatin ni Ella ang kuwartong nasa itaas. Ngunit nasa makalabas lamang ng pintuan sa ibaba si Mang Dado. Takot siya rito. Sapagkat ilang beses na niyang tinangkang akyatin ang kuwartong nasa itaas. Ngunit bigo siya. Lagi siyang hahawakan sa buhok at hahaltakin at mapapasigaw siya sa sakit. Kapag naroon si Mang Dado--umaalis lamang sa pagkakaupo sa harap ng pintua’y kung bibili ng sigarilyo na nasa tabi lamang ang tindahan--ay kuntento na lamang siyang nakaupo sa bangketa at namamalimos at sisilipsilip sa pintuang iyon.
                Malaking tao si Mang Dado. Mataba at malapad ang katawan. Usli ang malaking tiyan; waring buntis na hinihimashimas- libangan nito pagkatapos kumain. Malaki ang panga. Makapal ang tubo ng kilay at malapad ang mukha.
            Minsan, napansin ni Ella na wala sa labas si Mang Dado. ‘alang bantay, naisaloob niya. Pagkakataon na niya. Nagmamadali niyang inakyat ang makitid na hagdan hanggang marating niya ang itaas nito. Gusto niyang makita ang loob ng kuwarto. Gusto niya ring sumaya tulad ng mga taong lumabas-pumasok sa kuwartong iyon na mga nakangiti at masasaya. Nagmamadali niyang  pinihit ang nikiladong pihitan. Pumihit iyon.  Bumukas. Dahandahan niyang binuksan ang pinto. Nagulat siya sa loob ng kuwarto. Namangha. Tuwangtuwa. Madilim, tanging ang iba’t ibang kulay ng liwanag na umiikot sa buong kuwarto ang nagsisilbing ilaw. May kalakihan ang kuwarto.
            “Ang  ganda…kulay reynbow,”  pamanghang sabi niya.
            Lumingalinga siya. At dirediretsong pumasok sa loob. Napansin niya ang mga tabing na telang itim. Ngunit nakapukol pa rin ang kanyang mga  mata sa iba’t ibang kulay ng liwanag na iniluluwal ng hugis-bolang nakasabit sa kisame.
            “Sayang ‘ala  si Ana. Sana ‘andito  s’ya para nakita n’ya ‘yung reynbow…ang ganda pa naman,”  bulong ni Ella sa sarili.
            Mayamaya’y may narinig siyang mahihinang tawa’t ungol. Sa ilang saglit na pakikinig, napansin ni Ella na ang  ingay na iyo’y nagmumula sa  kabila lamang ng itim na telang  nakatabing na nasa harap niya.
            Dahandahan niyang nilapitan. May maliit na butas ang tela na pantay-noo niya. Naningkayad siya at sinilip ang loob niyon. Nakita niya ang isang  babae at lalaki. Nakapatong sa ibabaw ng  lalaki ang babae. Tumatawa ang babae. Masaya ang dalawa habang umaalon ang dalawang nilalang sa ibabaw ng kama.
            Napaisip siya at nagtaka. At hindi namalayan ni Ella na ang hugis-bolang nakasabit sa kisame na pinagmumulan ng iba’t ibang kulay ng liwanag ay hindi na  umiikot at hindi na nagluluwal ng kulay bahagharing liwanag.   

Thursday, August 26, 2010

Kalbaryo Sa Madaling-Araw


Magdadalawang linggo na ang sunudsunod na kilos-protesta ng mga manggagawa, magsasaka, kawani, guro at estudyante para sa mga batayang karapatan  at pangangailangan ng mga mahihirap. Kasabay din nito ang walang tigil na pambubuwag ng mga pulis at militar sa hanay ng mga raliyista sa Mendiola, Liwasang Bonifacio’t Batasang Pambansa.  At nandudumilat ang mga balita sa mga pahayagan tungkol sa walang pakundangang pagdukot at pagpatay sa mga mulat, progresibo at makabayang tumutuligsa sa bulok at inuuod na sistema ng  pamahalaan.
Maghahatinggabi na nang matapos ang inyong pagpupulong sa pamantasan hinggil sa susunod na hakbang ng mga estudyante upang putaktihin ng protesta ang administrasyon sa pagpapabaya nito sa karapatan ng mga kabataan sa maayos, de-kalidad at libreng edukasyon.
Naglalakad ka pauwi, di-kalayuan sa pamantasang pinanggalingan, nang harangin ka ng dalawang lalaki. Hinawakan ka sa magkabilang kamay at biglabiglang kinulata ka ng baril.
Madaling-araw.
NAGISING kang kumikirot sa sakit ang iyong ulo’t magkasalikop na nakaposas sa likod ang mga kamay. Nasa isang maliit na kuwarto kang walang laman kundi isang maliit na mesang kahoy, isang bombilyang nakasabit sa di-kataasang kisame at isang karaniwang papag na gawa sa  kahoy. Naririnig mo ang usapan ng dalawang lalaking dumukot sa iyo na nasa kabila lamang ng pinto.
“Ano ba sabi ni Sarge?”
“Katulad nang ginawa natin sa iba pa. Para kang bago nang bago.”
“Mga tarantado kasi…rali nang rali…gusto pang masaktan at mamatay.”
“Ganyan talaga ‘yang mga ‘yan, mga walang utak…’di nag-iisip.”
“Idispatsa na natin para matapos na.”
“Bobo ka  ba? Parausan muna natin… may itsura e.”
“Ikaw na lang. Dito na lang ako sa labas. Nasaid ako kan’ina sa tinodas natin. Wala na ‘kong stock ng tamod.”
Narinig mo ang malakas na tawa ng dalawa.
“Sige ako na lang ang bibira.”
            Bumukas ang pinto at nakita mo ang itsura ng ahente ng militar na dumukot sa iyo. Malapad ang noo. Pangahan at malalaki ang naninilaw na mga ngipin. Malalaki ang mga mata. Malaki  ang pangangatawan kahit may  katabaan.
            Napaigtad ka sa iyong kinauupuan na papag nang lumapit siya sa iyo.  Sinunggaban kang  hayuk na hayok sa iyong katawan. Pinunit ang damit mo. Humantad ang iyong puting bra. Nilamas iyon at  binaltak ang iyong bra na tumatakip at umaalaga sa iyong mga suso. Hindi ka makapanlaban. Mahigpit ang pagkakaposas sa mga kamay mo. Sa bawat galaw, katumbas ay kirot sa iyong mga kamay.
            Minura mo siya.
            “Putang ina mo! Hayop  ka!”
            Binusisi ka. Nilamutak ang iyong mga suso. Dinilaan. Sinupsop. Walang humpay. Mayamaya, hinubad ang pantalon mo. Tinadyakan mo siya.  Maririing suntok, dagok at sampal ang iginanti sa iyo.  Pumutok ang labi mo. Nalasahan mo ang dugo sa iyong labi.  Kumikirot iyon. Masakit. Hinubad ang iyong panti.  Kinipit ng dalawang hita mo ang iyong kiki. Ibinukaka ang iyong mga hita. Malago ang tubo ng iyong bulbol. Dinaliri ang kiki mo. Kumikislot, pumapalag at napapairi ka. Mayamaya’y dinilaan iyon. Loob at labas. Napapairi ka. Nagpatianod ka na lang. Hinubad ng buhong militar ang kanyang pantalon. Dumukot ang kamay sa brief at inilabas ang malaki, mapula at naninigas na titi.
            “Kilala mo ba ‘to?” tanong sa iyo at mahigpit na hinawakan ang nagngangalit na titi. “Ito ang alaga ko…’pakikilala ko sa’yo”
            Tumawa nang malakas ang buhong militar.
            “Hayop ka! Malibog! Putang ina mo! Putang ina n’yong mga militar kayo!”
            Idinapo na naman sa iyo ang maririing suntok, dagok at sampal. Dinuraan mo ang mukha niya. Hinawakan ka nang mahigpit sa buhok. Kumikirot ang sakit sa iyong anit. Suntok, dagok at sampal ang inabot mo. Masakit na ang iyong katawan at mukha sa mga tinanggap.
            Ang mga dagok, suntok at sampal na  tinatamo mo sa kanya, hindi mo na mabilang kung ilan, ay ginagantihan mo ng mura at dura.
            Lalong binukaka ang iyong mga hita. Ibinaon sa kiki mo ang kanyang malaki, mapula at naninigas na titi. Napasigaw ka sa sakit. Napairi, napaungol at napaigtad. Sunudsunod at mabilis, walang humpay na pagkadyot ang ginawa sa iyo. Nagpatianod ka na lang. Nararamdaman mong tila lalong humihigpit ang  posas sa mga kamay mo.  Mas masakit kaysa kangina.  Basangbasa na ang kiki mo ng tamod. Nararamdaman mong lumalandas iyon sa iyong kuyukot. Hindi ka umiiyak sa mga sakit at pambababoy na ginagawa sa iyo. Pinuputan ina mo siya ngunit tila wala siyang naririnig. Abala siya sa paghindot sa iyo. Waring nasisiyahan sa sunudsunod, mabilis, at walang  humpay na  pagkadyot sa iyo.
            Mayamaya’y tumigil. Inakala mong tapos na ang iyong kalbaryo. Ngunit hindi. Sinabunutan ka muli. Mahigpit. Ipinasubo sa iyo ang namumula’t naninigas na titi ng buhong militar. Iniiwas mo ang mukha’t bibig mo. Dinig mo ang tawa niya habang isinasampalsampal sa mukha mo ang kanyang titi. Pinagmumura mo siya.
            “Putang ina mo! Baboy ka! Hayop!”
            “Putang ina mo rin!” sabay sunudsunod na dagok,suntok at sampal sa iyo.
            Ipinasubo na naman sa iyo ang kanyang titi. Nanlaban ka pa rin. Iniiwas mo ang mukha mo. Suntok, dagok at sampal. Inulit muli. Inulit mo rin ang pag- iwas ng mukha mo.  Suntok, dagok at sampal. Untiunting nauubos ang iyong lakas, waring nauupos na kandila ka sa harap niya.  Hindi ka na makalaban.  Masakit ang mga pasa sa mukha’t katawan mo. Putok ang labi’t kilay mo.
            Muling idinuldol sa iyo ang kanyang naninigas na titi. Ipinasubo sa iyo. Wala ka nang lakas. Napilitan  kang isubo ang kanyang titi.
            “Sige…ganyan…galingan mo,” sabi sa iyo habang napapairi ang buhong militar.
            Mahigpit na sinabunutan ka sa buhok. Itaas-ibaba ang ulo mo sa titi niya. Mabilis at maririin. Umaabot sa lalamunan mo ang ulo ng titi ng militar. Naduduwal ka ngunit wala siyang tigil sa pagtaas-pagbaba ng ulo mo. Sunudsunod at mabibilis.
            Biglabigla, waring matalim na labahang humiwa sa utak mo, naalaala mo ang dating mga kasamahang  dinukot at pinatay ng mga militar. Si Oneng: nakita na lamang sa talahiban sa ilang na lugar na lasuglasog ang katawan sa maraming balang tinamo. Si Tanya: nakitang lulutanglutang sa ilog; hubo’t hubad, pulos pasa sa mukha’t katawan, tapyas ang utong at may pasak ng bote ang kiki. Si Danny: halos di na  makilala, winasak ng bala ang mukha, at marami pang katulad na dinukot at pinatay.
            Alam mong hindi ka bubuhayin. Nagpupuyos sa ngitngit ang utak mo. Napopoot ka. Naalaala mong sinusupsop mo ang kanyang titi. Biglabigla, dala ng  matinding galit, mariin mong kinagat ang makunat na balat at laman ng titi niya. Bumaon ang mga ngipin mo hanggang maputol iyon. Nalasahan mo ang dugo niyon. Pumalahaw ng sigaw ang militar. Ibinuga mo ang naputol na ulo ng titi.
            Sansaglit, umalingawngaw ang sunudsunod na putok  kasabay ng mga pagyanig sa iyong  dibdib.