Monday, July 11, 2011

Putang ina Mo! (mamamatay ka, wag kang magpapakita!)

Wag sanang tayo' magtagpo
         magtama ang ating mga mata
       sa kung saan mang lugar o
           ano mang pagkakataon o
                okasyon.

Wag sanang pahintulutan
  ng Diyos na tayo'y magtagpo
          makita ko
       hilatsa ng pagmumukha mo.

           Magbabalik-nakaraan lamang
     mga kawalang-hiyaan
                at pananamantala mo
sa minamahal ko.

        Ang mga araw,
               linggo,
         buwan
             at mga taon
     ng kalbaryo
sa piling mo ng minamahal ko.

   Pagkat may susulak sa aking dugo,
      kalamnan 
           at mga ugat,
sa utak 
         at isip ko
na magdidikta ng iyong
      kamatayan.

  Putang ina mo!
                       Wag kang magpapakita sa akin,
    papatayin kita tulad ng pagpatay
                  mo sa kinabukasan at puso
  ng iniibg at minamahal ko!

2 comments:

  1. natakot naman ako sau...hindi na po kuya...

    (naalala ko ung tula ni sir ordo dito ah..ung AYOKO NANG MAKITA ANG MGA PUTANG 'NA)

    ReplyDelete
  2. Natatakot ako sa tulang ito. Tulad ng ilan mo pang tula, madilim. Maitim. May galit na kumakawalang palagi. Walang binabanggit na mga ispesipikong lugar, walang mga sikat na mukha o pangalan, pero hindi mundong-iba. Nandyan. Natatakot ako sa tulang ito tulad ng iba mo pang tula tulad ng takot ko sa pangitaing may hatid na lagim ang bawat gabing walang marinig maski huni ng mga kuliglig, kasing dilim ng dilim na mayroon sa kailaliman ng bawat isa sa atin...

    ReplyDelete