Sunday, September 23, 2012

Bukowski On Life/Death

Bukowski On Everything


Disposisyon ng Taong Wala Nito....

kagabi, lasing na lasing ako..
na parati namang ganoon...
pulos suntok at pukpok sa ulo ang inabot ko
sa asawa ko...

sige uminom ka nang uminom...
tapos dito ka sa higaan susuka..
letse ka!

kinabukasan, nasabi ni tito na narinig niya si
Farren na nagagalit sa akin..
at ikinuwento nga ng asawa ko ang
ginawa ko...

at kinabukasan din, nakatikim ako
ng mga masasakit na salita
mula kay Farren..
napagtanto ko ang lahatlahat...

ang kamalian ko..
ang kalokohan ko...
ang pinaggagagawa ko...

pero nandito na ako,
masaya ako rito...
at mananatili na ako rito:
sa mundong binuo ko
para sa sarili ko...
ang uminom nang uminom
hanggang sa marating ko
ang pinakapayapang mundo
na 
pangarap ko....

Thursday, September 20, 2012

Basag na Bote ng Kalooban

naka-chat ko si kuya kagabi, tinanong ko siya:
kumusta ang buhay diyan sa Dubai?
sabi niya: ok naman ako dito, kaya pa...

nagulat ako sa sinabi niya..
nahiya ako...
nanliit...
nainis sa sarili...

ako ang dapat na naroon...
itinataguyod ang aming pamilya...pero
hindi...
nandito ako sa Pilipinas...
nag-asawa...
nakatapos ng pag-aaral (ako lamang ang nakatapos ng kolehiyo
sa aming magkakapatid) at nagtuturo sa kolehiyo...
 ngunit hindi makatulong kay Nanay..
sa mga kapatid kong babae...

gusto kong sabihin sa sarili ko
bakit ako nagkaganito?...
bakit ako ganito?...

at napagtanto ko...
miss ko na ang kuya ko...
at salamat sa kuya ko...

masakit man isipin pero ito 'yon....

hindi ako nakatulong...
hindi.....
sa ngayon.....