ayoko nang magsulat
ayoko nang mag-isip ng paksa
ayoko nang magpakamanunulat
ayoko nang makita ang basura kong panulat
hindi ako manunulat
isa akong bobong tao
na gustong magsulat
at magyabang ng mga gawa
nagpipilit lamang akong
maging manunulat
pero basura ako
tulad ng mga gawa ko!
ayoko na
putang ina!
putang ina ko!
putang inang panulat ko!
hindi ako manunulat
hindi ako marunong magsulat
wag mo kong tarantaduhin, ululin
hindi ako manunulat
sawa na ko sa nakikita kong kabobohan ko
ayoko nang magsulat
ayoko nang mag-isip ng paksa
ayoko nang magpakamanunulat
dahil hindi ako marunong sumulat.
ayoko na!
putang ina!
Wednesday, December 15, 2010
Thursday, November 18, 2010
Alaala
Habang naninigarilyo, napatingin ako sa kuwadradong orasang nakasabit sa dingding sa itaas ng maliit na estante ng mga sabon ng tindahang sarisari. Alas-kuwatro na ng hapon. Mahapdi pa rin ang dampi ng init ng araw sa balat. At ang langit ay bughaw na bughaw sa mangilanngilang ulap.
Hindi ko pa napangangalahati ang aking sigarilyo nang lumapit sa akin si Dante.
“ Son, samahan mo ‘ko,” bungad niya sa akin.
“ Saan tayo pupunta?” tanong ko habang ibinubuga ko ang kumpulkumpol na usok ng sigarilyo.
“ Pagagawa ko lang ‘to,” inangat niya ang kaliwang bahagi ng laylayan ng kanyang damit.
Ngumisi ako sa kanya.
Nakasuksok sa kaliwang baywang niya ang isang lumang baril.
“ Dante,” ani ko. “ Sa’ mo nakuha ‘yan?”
Humitit ako nang malalim sa aking sigarilyo.
“ Akin ‘to…matagal na ‘to sa ‘kin…sira kasi kaya hindi ko magamit”.
Sinamahan ko siya. Minabuti naming dumaan sa mga eskinita upang hindi mapansin. Delikado, baril ang dala namin. Mahirap nang makulong. Sa ilang labas-masok namin sa makikitid, mabahong eskinita, nasapit din namin ang bahay na paggagawaan ng dala naming baril.
Maliit ang bahay. Isang palapag na gawa sa kahoy at ang bubong ay yari sa maitim, luma, kalawanging yero. Sa labas ng bahay, nanlilisik ang mga mata ng asong nakatali sa isang paa ng maliit na kulungan ng mga manok. Tahul nang tahol ang itim, payat, galising asong nakabantay sa harap ng bahay.
Mayamaya pa’y lumabas ang isang lalaking nasa tatlumpu’t lima ang gulang, mahaba ang makapal, magulong buhok at makapal ang tubo ng kilay at bigote. Matigas at magaspang ang rehistro ng mukha. Hubad-barong kakikitaan sa kaliwang dibdib ng tatong mukha ni Kristo- malungkot at lumuluha ang mga mata. Lumingalinga ang lalaki sa magkabilang eskinita at nang makasigurong walang kahinahinalang taong nasa di-kalayuan, pinapasok kaming dalawa ni Dante.
Alam agad ang aming pakay, naisaloob ko.
“ Payring pin lang pala’ng sira nito, e,” sabi ng lalaki habang binabaklas ang baril sa harapan namin. “ Madali lang ‘to.”
Sira ang firing pin ng baril. Madali lang remedyuhan. Kinuha ang bakal na spring ng isang bolpen. Ikinabit sa baril. Tapos agad ang problema.
“ Remedyo lang ‘tong ginawa ko…kailangan talaga dito e ‘yung mismong spring ng baril…kakabyos din ‘to, Dante,” paliwanag ng lalaki. At sunudsunod na kinalabit ang gatilyo. Kumakabyos pa rin ngunit hindi tulad nang dati.
Siya si Dante. Beinte-singko ang edad. Kulot ang mahaba at malagong buhok na tumatakip sa kanyang malapad na noo. Makapal ang tubo ng kilay. Bilugan ang mukha at mga mata. Katamtaman ang laki at may katabaan ang pangangatawan.
Hindi iilan ang nakakikilala kay Dante sa lugar namin sa Pacheco, Tundo. Gayundin sa mga kalapit-barangay. Labas-masok na sa kulungan. Holdaper, snatcher, sira-ulo, tarantado at mahilig sa basag-ulo. Marami ang takot sa kanya at marami ring kaaway na gustong pumatay sa kanya.
Noong una, ganoon ang pagkakakilala ko sa kanya—patapon na ang buhay—ngunit nang maging kaibigan ko siya (aywan ko kung bakit sa dinami-raming pangit na ugali na pinagsasabi sa kanya ay nagawa ko pang makipagkaibigan sa lokong ito), nakilala ko ang isang mabait at mabuting tao.
Kinagabihan, nagpainom siya. Apat na bote ng hinebra.
Pumuwesto kami sa kinayuyungyungan ng malapad na toldang pinaluma ng ilang ulit na bigwas ng mga bagyo.
Nagsalin siya ng alak sa maliit na basong Kristal. Pinuno niya iyon. Ininom at sinaid ang laman. Nagsalin muli ng alak. Pinuno at ibinigay sa akin. Ininom ko agad at sinaid ang laman. Gumuguhit ang lasa ng alak sa aking lalamunan. Kumuha ako ng pulutang hiniwahiwang hinog na papaya (may maliit na tindahan sila ng mga prutas sa Tayuman) upang kahit paano’y mabawasan ang gumuguhit sa lalamunang lasa ng alak.
“ Di ba nasa kolehiyo ka na?” biglang tanong niya sa akin.
Tumango ako. Pagkaraa’y napatingin ako sa mga matang iyon ni Dante. Malungkot.
Nagsindi ako ng sigarilyo.
“ Ikaw, bakit hindi ka na nag-aaral?” tanong ko.
Tinungga niya ang kasasalin pa lang na alak sa baso. Nabigla sa pag-inom, tumulo mula sa kanyang bibig ang kaunting alak at nanuloy sa kanyang leeg. Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang itim na t-shirt at ipinunas sa nilandasan ng natapong alak.
“ Dati, gusto kong mag-aral…ngayon, ayoko na,” tugon niya.
“ Bakit ayaw mo na?”
Dinampot niya ang kaha ng sigarilyong nakapatong sa ibabaw ng mesa. Kumuha ng isa, sinindihan. Napapikit sa aso ng sigarilyo.
“ Dati, mabait ako…’di ganito ang takbo ng utak ko. Masipag akong mag-aral. Lagi akong pumapasok.” Humitit nang malalim. “ Nasa hayskul ako, huling taon nang ihinto ko ang pag-aaral. Sunudsunod ang mga away at basag-ulong napasok ko. Kaya hanggang ngayon, ganito na ako, sira-ulo.” Pinitik ang titis ng sigarilyo.
Pagkaraa’y pinukol niya ako ng mapanglaw na tingin.
Sinaid ko ang alak na nasa baso. Hindi ko na malasahan ang alak. Hindi na ako kumuha ng pulutan.
Tiningnan ko ang mga mata niya. Napansin ko ang pangingilid ng kanyang luha. Aywan kung totoo ang nakita ko o lasing na ako noon.
Hindi ko na alam kung anong oras kami natapos. Umuwi ako sa amin nang lasing at naririnig ang tilaukan ng mga manok-panabong ng kapitbahay.
ISANG araw, walangwala talaga kami. Ni piso alaws din. Ala-una na, hindi pa kami nanananghali. Lumabas ako ng bahay, hinanap ko si Dante. Magbabaka sakali na rin na makautang sa kanya, sapagkat siya ang alam kong makatutulong sa akin, at siya ang itinuturing kong pinakamatalik na kaibigan. Nakita ko siya, nagsusugal sa isang lamay ng patay. Ang agang sugal, naisaloob ko. Kinapalan ko ang mukha ko. Nangutang ako sa kanya ng singkuwenta pesos, ibabalik ko agad, pagkaraa’y sabi ko. Huwag na’t magkano lang iyon, sabi niya sa akin. Nakapagsaing kami at nakabili ng ulam.
Sa mga magkakaibigan sa lugar namin, kaming dalawa ang pinakadikit. Magkapatid na ang turing namin sa isa’t isa.
Minsa’y inaya ko siyang manigarilyo kahit na alam kong hindi siya gaanong naninigarilyo.
“ Hindi ako masyadong nagyoyosi,”sabi niya, “mahilig lang akong uminom.”
Natawa ako at nangiti siya.
“ Patay-gutom ka kasi sa alak,” biro ko.
Natawa siya.
Isang gabi, naninigarilyo ako nang lumapit siya sa akin at iniabot ang isang kaha ng sigarilyo.
“ An’ dami naman nito,” sabi ko.
“ Okey lang ‘yan para ‘di na bili nang bili…hitit na lang nang hitit.”
Natawa ako.
Isang kaha ng Marlboro ang ibinigay niya sa akin. Mayroon din siyang isang kaha ng sigarilyo. Hindi rin niya naubos, ibinigay din sa akin. Ilang araw ko ring inubos ang bigay na iyon.
Hindi lang madalas na pag-inom at madalang na paninigarilyo ang bisyo ni Dante. Madalas din siyang mag-marijuana.
Hindi ko pa siya kaibigan noon nang unang makita ko siyang gumamit ng marijuana. Umiinom sila ng kanyang mga barkada. Nakatambay ako di-kalayuan sa lugar kung saan sila nag-iinuman.
Mayamaya’y nagulat ako. Nagsindi ng marijuana ang loko kahit maraming nagdaraang mga tao. Malalim na hitit. Buga ng usok. Isa pa. malalim na hitit. Wala nang ibinugang usok pagkatapos. Hindi siya takot na magsindi sa harap ng mga nagdaraang tao. Kilala siya sa amin at walang may lakas ng loob na magbawal sa kanya.
ISANG gabi (hindi ko pa rin siya kaibigan noon), nag-iinuman kami ng mga kaibigan ko di-kalayuan sa mga nakikipaglamay (uso sa Tundo ang linggulinggong may patay, ginawa na yatang tradisyon) nang malingunan kong nakakagulo sa umpukan ng mga nagsusugal. Lumapit ako kasabay ang mga kaibigan ko. Nakita ko si Dante, lasing at dala ang siyam na iba’t ibang yunit ng cellphone. Nangholdap na naman, naisaloob ko.
Aywan ko kung bakit simula nang maging magkaibigan kami, nagbago si Dante. Hindi na siya nanghoholdap. Iniwasan na ng loko. Pagtambay kasama ko at pagtao sa kanilang tindahan ng mga prutas sa Tayuman ang ginawang libangan. Ngunit ang basag-ulo ay hindi nawala, o mawawala, sa kanya.
Makailang beses ko nang nakitang galit si Dante. Ngunit hindi tulad nang makaaway niya si Ferdi: mayabang, malakas magsugal at pikon. Naroon silang dalawa—si Dante at Ferdie sa sugalan. Maraming tumataya, marami ang nagsusugal.
Nasa labas ako ng bahay noon, nakatambay at nanonood ng basketbol sa kanto. Nagulat ako, biglang may tumalon galing sa di-kataasang bubong.
Si Dante, dala ang baril na pinaayos namin!
Napaigtad ako sa bangketang kinauupan ko.
“ Dante, sino’ng kaaway mo?” sigaw ko.
Ni hindi niya pinansin ang tanong kong iyon.
Pagliko niya sa kanto, itinutok ang baril sa kaaway na nasa makalabas lamang ng kabilang eskinita. May dalang dalawang mahabang kutsilyo si Ferdie. Natulala siya nang makitang may hawak na baril si Dante. Minura ni Dante si Ferdie. Hindi kumibo ang huli. Mayamaya, nang lalapitan na niya ang kaaway, lumapit sa kanya ang ninong niya. Kinuha sa kanya ang baril at ibinigay sa tatay niya.
Nilapitan ko siya. Dinampot niya ang isang maruming bote ng alak sa mga tambak na gulong sa gilid ng eskinita, at ipinatong ang kanang pa. Pinagulunggulong ang bote ng kanang talampakan. Napilayan ang loko!
“ Tang ina ka Dante, akala ko si spiderman ka na!” nakatawang biro ko.
Hindi siya natawa.
Nagmumura siya.
“ Putang ina n’ya, babarilin ko talaga s’ya!”
“ Hayaan mo na,” pagpapakalma ko, “takot naman ‘yung gagong ‘yun, e.”
“ Putang ina n’ya!” Sinipa ang bote at tumilapon at nabasag nang tumama sa bangketang may bahid ng natuyong ihi.
Isang gabi, umuwi akong lasing. Naparami ako ng inom. Sumobra ang espiritu ng alak. Naglalakad na ako pauwi nang maaninag ko, malabo, pitong lalaki. Matatangkad. May hinahanap. May mga dala sila. Nang makakasalubong ko na sila ay narinig ko ang pangalan ni Dante.
“ Tang inang Danteng ‘yan!”
“ Subukan n’yang lumabas, titinggain ko s’ya!”
“ Masyadong mayabang kang tarantado ka!”
Natakot ako. Pagliko ko ng eskinita, muli ko silang tiningnan, patago. Malabo pa rin. Epekto ng alak, naisaloob ko. Binuksan ko ang pintuan namin, tahimik. Tulog na ang lahat. Dahandahan kong isinara. Dahandahan din akong nahiga. Banayad kong inilapat ang likod sa saping karton. Ngunit ramdam ko pa rin ang lamig ng sementadong sahig. Tumagilid ako. Mayamaya’y may narinig akong tatlong malalakas na putok.
Kinabukasan, sinabi ko kay Dante ang paghahanap sa kanya ng mga kaaway niya. Tinawanan lang ng loko ang pagpapaputok ng baril ng mga naghahanap sa kanya. Ngunit sa loobloob ko, galit siya, dinaan na lang sa tawa.
Sumunod na gabi, nag-inuman kaming dalawa.
“ Sasalubungin natin sila,” nakangiting sabi ni Dante at inilabas ang dalawang kalibre .38 na baril.
Nangiti ako pagkatapos kong inumin ang alak sa baso.
Inumaga kami sa pag-iinom at paghihintay sa mga “sasalubungin”, ngunit walang dumating.
MADALING-ARAW nang mangyari ang gulo. Ala-una nang umuwi ako at si Dante ay napasabak sa away bandang alas-tres na.
Kinursunada siya ng mga tambay na umiinom di-kalayuan sa lugar namin. Pinalapit siya at pinagmumura. Napansin niyang marami sila- ang mga kaaway niya. Dumampot siya ng dalawang bote ng alak sa kung saan (naisanla niya ang isang baril niya at ang natitirang baril ay itinago ng tatay niya) at ipinukol sa mga nangungursunada sa kanya.
Dehado siya kung lalabanan niya nang mag-isa. Pumunta siya sa Perla—kalapit-barangay—at nagtawag ng resbak. Anim ang dala niya pag-uwi. Bawat isa ay may baril at ang isa naman ay may hawak na tres cantos na patalim.
Nagpaputok sila Dante. Takbuhan sa kung saang may masusuutan ang mga gago. Nabahag ang mga buntot. Hinabol nila. Nagpaputok muli. Bagsak ang isa, paluhod. Tinamaan sa ulo. Asintado ang isa sa kasama ni Dante. Nilapitan nila. Binaril muli, sa dibdib naman. Hindi nakuntento, sinaksak ng tres cantos sa kaliwang leeg.
Kinabukasan nang gabi, ikinuwento sa akin ni Dante ang nangyari. Putok ang balita sa lugar namin. Patay ang isa at nakaburol na sa isang maliit na kapilya ng barangay.
Iyon na pala ang huling araw na makikita ko siya sa lugar namin.
MAGKAHALONG tuwa at lungkot ang naramdaman ko habang papalapit ako sa tarangkahan ng kulungang kinasasadlakan ng kaibigan. Namataan ko siyang nakaupo sa isang sulok at may kausap na matandang lalaking preso.
Mag-iisang taon na mula nang makulong si Dante dahil sa nangyaring iyon. Nahihiya akong lumapit sa kanya sapagkat mula nang makulong siya ay ngayon lang ako nakadalaw sa kanya.
Mayamaya’y napansin ako ng loko. Nakangiti akong nilapitan.
“ Kumusta, Son,” bungad niya sa akin.
“ Ito, okey naman. Ikaw Dant?”
“ Ito nasa oblo na,” nakangiti niyang sabi.
Pinaikli namin ang tawag sa pangalan ng isa’t isa. Dant sa Dante at Son sa Jayson.
“ Hiyang ka sa pagkain dito, a,” sabi kong nakangiti.
“ Medyo” sabay bumunghalit ng tawa.
Tumaba ng kaunti ang loko.
Marami kaming napagkuwentuhan. Tungkol sa aming lugar. Ang mga magulang niya. Mga kapatid. Iyong naiwan niyang baril sa tatay niya at kung anuano pa.
Napansin ko ang pananabik ni Dante na makalaya. Aywan kung bakit bigla akong napatingin sa kanyang mga mata. Lalong malungkot ang mga matang iyon di tulad nang mapansin ko iyon noon. Hindi maikukubli ng mga tawa at ngiti ang lungkot na ipinupukol ng mga matang iyon.
Mayamaya’y tumibo sa isip ko na ako ay isa ring bilanggo.
Siya, sa rehasrehas na bakal ng kinasasadlakang kulungan.
At ako, sa alaala ng isang mabait at mabuting kaibigan.
Friday, October 1, 2010
Kapirasong Papel Para Kay Ama
Mainit. Mahapdi sa balat. Nakapapaso. Waring naghihimagsik ang araw sa isinusuka nitong init na dumadantay sa bawat bumbunan at balat ng bawat nilalang, sumisiping sa bawat naghuhumindig na mga gusali, sa mga establisimyento- malaki o maliit, sa mga aspaltadong daan, sa mga sementadong lansangan at mga kabahayan- mga nakaluhod na barungbarong sa umaalingasaw at nakasusulasok na amoy ng estero, mga dikitdikit na kubakob na tila mga nakahanay na nitso sa sementeryo na kayakap araw-gabi ang ilog na nakalutang-inaanod ang iba’t ibang basura, mga marumi’t makipot na paupahang entresuwelo, at iba pang maaaring tirhan ng mararalitang tagalunsod.
Habang naghihintay ay buubuong butil ang namuo sa malapad na noo ni Mario, naglandas sa kanyang humpak na pisngi at nanuloy hanggang sa kanyang payat na leeg. Dumukot si Mario mula sa bulsa ng kanyang kupasing pantalong maong ng panyo. Pinunasan niya ang leeg at ang mukhang nangingintab sa pawis habang ang kanyang isipan ay naglalaro sa mga masasayang alaala ng kanyang kamusmusan at pagbibinata sa bayang kinalakhan.
Ilang saglit, pumalag sa kanyang isipan ang palaging paalaala sa kanya ng kanyang ama.
“Mario, pagbutihin mo ang iyong pag-aaral sa Maynila. Tapusin mo ang iyong kurso. Ayokong matulad ka sa akin at sa lahat ng tagarito. Ayokong balang-araw ay maging magsasaka ka rin at pagsisihan mo tulad ng pagsisisi ko na hindi ko natapos ang aking pag-aaral. Iahon mo sa kahirapan ang ating pamilya anak.”
Sa lugar na iyon, sa kanilang probinsiya, lahat ay pulos magsasaka. Ang lahat ay alipin ng lupa. Lupang kanilang libingan pagdating ng araw. Wala man lang ni isa sa kanila na nangarap na makaaahon sila sa kanilang abang kalagayan. Lahat ng tagaroon, elementarya lamang ang natapos. Minarapat na tumigil at tumulong sa mga magulang sa gawaing bukid, sapagkat alam nilang magastos at hindi kaya ng kanilang mga magulang ang pag-aralin sila. Atrasado ang pamumuhay sa lugar na iyon. Napakapayak. Sa mga tagaroon, kung ikaw ay isang anak-magsasaka, mamamatay kang isang magsasaka din. Isang mangmang. Ngunit hindi sa ama ni Mario.
Huminto sa kanyang harapan ang isang pampasaherong bus at nakasulat sa harap ng sasakyan ang pangalan ng kanilang probinsiya. Sumakay siyang bitbitbitbit ang kanginang masasayang alaala ng kanyang kamusmusan at pagbibinata kapiling ang kanyang ama, ang mga palay, ang mga punongkahoy, ang mga ibon, ang mga insekto at iba pa. Sukbitsukbit sa kaliwang balikat ang isang malaking bag at bitbitbitbit sa kanang kamay nito ang isang maliit na maleta.
At nang maamoy na niya ang malamyos at sariwang hanging nagpapayuko sa mga tanim na palay, nagpapakaway sa mga talahib sa tumana, nagpapaawit sa mga kawayan at nagpapasayaw sa mga punongkahoy na kanyang nadaraanan, biglabiglang pumunit sa kanyang may kaitimang mukha ang mga ngiti ng pagkasabik sa bayang nawalay sa kanya ng apat na taon.
Natutuwa ako anak at malapit ka nang magtapos. Hindi ko man alam, nararamdaman ko na hindi biro ang ginawa mong pagsisikap diyan sa Maynila. Hintayin mo ako diyan anak at darating ako sa araw ng iyong pagtatapos. Matagal ko nang hinihintay na makita kitang hawak mo ang iyong diploma at nasa harap ng maraming tao. Ang laking pasasalamat ko. Hintayin mo ako diyan. Darating ako.
Ngayon, hawak niya ang sulat ng kanyang ama. Aywan ni Mario kung bakit ganoon na lamang ang kanyang pagkabagabag kung bakit hindi nakarating ang ama sa pinakamimithing araw nito para sa kanya. Nag-aalaala, kinakabahan. Ang kanginang mukha ng pagkasabik ay napalitan ng hintakot at pangamba. Ayaw niyang mag-isip ng mga alalahaning subok ikatakot niya para sa amang pinangulilahan ng apat na taon.
Mag-isa lamang ang kanyang ama sa bahay sapagkat nag-iisang anak siya. Ang ina na hindi niya nakita ay sinabing namatay matapos siyang ipanganak dahil sa kahinaan ng pangangatawan nito nang siya’y ipinagbubuntis ng ina. May kapirasong lupa ang kanyang ama na itinuturing na kaisaisang kayamanan nito kasama ang kanilang maliit na bahay na gawa sa kahoy. Kung tutuusi’y nakararaos sila sa arawaraw na pangangailangan kahit na nag-aaral siya ng hayskul ng mga panahong iyon. Pagkatapos niya ng hayskul, pinagsumikapan ng kanyang ama na pag-aralin siya sa isang pamantasan sa Maynila. Ang perang kinikita sa anihan ng kanilang pananim na palay ang kanyang ipinambabayad sa matrikula kada semestre at sa inuupahang entresuwelong di kalayuan sa umaalingasaw na estero ng lugar. Ipinagkakasya na lamang ni Mario ang perang ipinadadala sa kanya ng ama. Gusto niyang magtrabaho bilang tulong na rin sa kanya at para makaipon na rin ng pera ngunit pinagbawalan siya ng kanyang ama nang sinabi niya sa sulat ang gusto niyang mangyari.
Mag-aral ka nang mabuti diyan. Huwag kang magtrabaho. Pagtuunan mo ng pansin ang iyong pag-aaral at ako na ang bahala sa panggastos mo. Dadagdagan ko pa.
Iyon ang huling bahagi ng sulat ng kanyang ama. Ang sa ama niya’y makasisira lamang ng kanyang pag-aaral ang pagtatrabaho at baka ito pa ang maging dahilan upang hindi niya matapos ang kolehiyo.
Alam niya kung gaano siya kamahal ng ama. Ang pangarap nitong makatapos siya ng pag-aaral. Nagsumikap ang kanyang ama. Araw-gabing nagtatrabaho sa bukid. At para madagdagan ang kanyang ipinadadala sa anak, namasukan ang ama sa kilalang propiyetaryo ng kanilang lugar bilang magsasaka. Madaling-araw pa lang, gumigising na ang kanyang ama para magtrabaho sa bukid. Apat na taong pagbubungkal, pagtatanim at pagsasaka ang ginawa ng kanyang ama. Halos sumuka ng dugo at mabali ang mga buto ng kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid kapalit ang kakarampot na halaga. Sapagkat sa isang magsasakang tulad ng kanyang ama, ang mapagtapos ang anak sa pag-aaral ang tanging kayamanan na maipamamana nito sa kanya.
Huminto ang kanyang sinasakyang bus. Bitbit ang mga dalahin, sabik na sumakay si Mario sa traysikel na nakapila sa gilid ng daan. Dalidaling pinaandar ng drayber ang sasakyan. Mabilis. Binuksan niya ang siper ng maliit na maletang nasa tabi niya. Kinuha niya ang kapirasong papel na ipakikita niya sa kanyang ama sa oras na makauwi siya ng bahay. Nasa isipan pa rin niya ang mga alalahaning nagpapakaba sa kanya. Bakit hindi nakapunta si Itay kahapon? Binaling niya ang mga mata at isipan sa nadaraanang tanawin, tanawing nagbago mula nang umalis siya sa lugar na iyon. Malaki ang ipinagbago. Tila dayuhan siya sa lugar na iyon, naisaloob niya. Sa mapunong lugar na iyon na kinatitirikan ng isang bahay na kulay abo at ng isang maliit na bahay-pahingahan, huminto ang traysikel.
Bumaba si Mario. Kinuha ang dalahin. Iniabot ang bayad sa drayber, hindi na kinuha ang sukli at nagmamadali tinalunton ang daang iyon, pababa patungong tulay. Iyon ay gawa sa anim na pirasong puno ng kawayan na tinalian ng mga alambre upang maging isa at gawa rin sa isang pirasong kawayan ang hawakan nito.
At nang makalampas ng tulay, dalidaling binagtas ang daan patungo sa kanilang bahay hawakhawak ang kapirasong papel. Sa malayo, nakikita na niya ang mga tagaroon. Ang kanilang mga kapitbahay. Nagtahulan ang mga aso. Napansin niyang maraming tao sa kanilang bahay. Naisip niya na nagdaos pa nang pagdiriwang ang kanyang ama sa pagtatapos nito kahapon. Bakit ngayon? Nang papalapit na siya, nagtinginan ang mga naroon, nagtahimikan. Nakita niya ang amang nakaburol. Humpak ang pisngi, lubog ang mga mata, lalong dumami ang mga puting buhok, lumalim ang mga gatla, lalong nangayayat at napansin niya ang pumuputok sa kalyong mga daliri nito.
Natulala siya. Walang imik si Mario. Tahimik ang mga tagaroon. Ilang butil ng luha ang tumulo sa mga mata ni Mario. Hindi niya nagawang humagulgol at ang hawak niyang kapirasong papel ay nalukot sa matinding pagkakakuyom ng mga daliri.
Maingay na ang mga nakikipaglamay. May mga nagbabaraha, nag-iinuman at nagkukuwentuhan. Sa di kalayuan, maiingay na rin ang mga nag-iinuman, namumula na ang mga mukha. Hinahawi ng mga malalamlam na liwanag ng ilaw ng bombilya ang dilim ng gabi.
“Tagay mo Kadyo,” sabi ng tanggerong nakayuko na nang ibigay ang basong may lamang alak.
Sinaid ni Kadyo ang laman ng baso at humithit ng sigarilyo. Ibinuga ang usok at dumura sa lupa. Pasimpleng tinuyo ng paa ang kanyang dura.
“Alam mo Kadyo, bilib ako d’yan ke Ka Tomas. Biruin mo e nakuha pang pag-aralin sa Menila ‘yung anak at mapagtapos,” ani Bruno na ang pagkakaupo ay tila isang rebulto na hindi man lang yumuko o tumagilid.
“Akala ko e si Mang Andoy ang pinakamasipag dito sa ‘tin. Pero ‘di pala,” sabi ni Mando habang titingintingin kay Kadyo at sa tanggerong si Jose na hanggang ngayon ay nakayuko pa.
“Sayang nga lang at hindi nakita ni Ka Tomas itong si Mario,” nanghihinayang na sabi ni Kadyo habang ibinubuga ang usok ng sigarilyo.
“Ikaw na ang magtagay Kadyo. Bagsak na si Jose,” utos ni Mando.
Nilagyan ni Kadyo ang baso ng alak at ibinigay kay Bruno. Sinaid ni Bruno ang laman at parang nabigla, tumapon ang kaunting alak sa kanyang leeg.
“Hindi na ‘ata nagpapahinga’yang si Ka Tomas. Nagsilbi pa ke Don Fernando,” sabi niya habang pinupunasan ang basang leeg.
“Naaawa ako sa anak na naiwan ni Ka Tomas,” sagot naman ni Mando.
At biglang may pumailanlang na malakas na sigaw sa kalawakan ng gabi.
“Putang ‘na!!! Bakit!!! Bakit!!!”
Nagulat ang lahat na nakikipaglamay. Tumingin ang lahat sa kanya. Tumahimik. Umiiyak si Mario. Malakas. Humahagulgol. At ilang mga nagbabaraha, nag-iinuman at nagkukuwentuhan ay naluha sa nakitang yaon.
Kinabukasan, inilibing ang kanyang ama. Ang kapirasong papel na masaya niyang ipakikita sa ama ay isinama niya sa loob ng kabaong. Nag-alisan na ang mga kapitbahay na nakipaglibing maliban sa isang lalaking nasa di kalayuan at pinagmamasdan si Mario. Nilapitan siya ng lalaki.
“Mario,” bungad ng lalaki.
Napatingin si Mario sa direksiyon kung saan nanggaling ang boses.
“Ako si Abner, kaibigan ng tatay mo. Lagi kaming magkasama sa bukid,” kuwento nito.
Hindi siya nagsasalita. Pinakikinggan niya ang taong nakatayo sa kanyang harapan.
“Kahapon, umaga, pumunta kami ng tatay mo sa malaking bahay ni Don Fernando para kunin ang bayad sa pagtatrabaho ng tatay mo sa kanya… para makapunta kami ng Maynila at makadalo sa pagtatapos mo,” tumigil ang lalaki at pinagmasdan si Mario.
Si Mario, nakikinig pa rin. Tahimik sa pagkakaupo sa harap ng puntod ng ama.
“Hindi binayaran ang tatay mo. Sinigawan. Sinabing me utang ang tatay mo at ang bayad sa kanya ay kulang pa sa utang niya sa don. Minura ang tatay mo. Pinagmumura. Nagalit ang tatay mo. Binunot ang itak na nakasukbit sa baywang. Tinaga si Don Fernando. Tinamaan sa kamay. Narinig ng mga alipores ang sigaw nito. Inutusang patayin ang tatay mo. ‘Ala akong nagawa, pinukpok ng baril ang ulo ko. Nagising na lang ako na nasa bahay na ako. Patawarin mo ako, ‘di ko natulungan ang tatay mo,” paliwanag nito.
Payapa ang kalooban ni Mario parang ilog na hindi umaagos. Kalmado. Ni hindi nag-iba ang damdamin nang malaman ang nangyari sa kanyang ama. Kakaiba ang payapang iyon. Payapang mas nakahihigit sa galit at poot. Payapang nakatatakot. Napag-alaman niya mula sa mga kapitbahay na ang maliit na lupa nila ay pagmamay-ari na ni Don Fernando. Malaki ang pagkakautang diumano ng kanyang ama kay Don Fernando kaya’t inangkin ang lupa bilang kabayaran. Napag-alaman din niya na namasukan ang kanyang ama kay Don Fernanado upang madagdagan ang kanyang perang panggastos sa Maynila.
Napag-isipisip niya na ang kapirasong papel na iyon na ilang taon niyang pinaghirapan, ang kapalit ay ang kanilang lupa at ang buhay ng kanyang sariling ama.
Papalubog na ang araw nang siya’y umuwi. Hindi rin nagtagal at umalis rin agadagad ng bahay daladala ang isang bagay na kailangan sa kanyang pupuntahan. Nagmamadaling tinalunton ang maalikabok na daang yaon na naglalagos sa mga pananim na palay at gulay at mga naglisawang damong ligaw na humahangga sa kinatitirikan ng malaking bahay na iyon. Mabilis ang kanyang paglalakad. Halos patakbo na. Mapagpasiya. Ilang minutong paglalakad ay nasapit na niya ang malaking bahay.
Nakita niya ang kanyang pakay. Nakaupo sa upuang gawa sa bakal, nasa bakuran at humihithit ng tabako. Napansin kaagad ni Mario ang kaliwang kamay nito na nakabenda at hindi maigalaw nang maayos. Gawa ni Itay, naisaloob niya. Wala ang mga alipores. Nilapitan niya agad ang kanyang pakay. Mayamaya’y napansin siya nito.
“Sino ka?,”gulat na tanong nito.
Ilang saglit niyang pinagmasdan ang mukha ng taong pumatay sa kanyang ama. Napansin ni Don Fernando ang hawak ni Mario. Nanlaki ang mga mata nito at namutla nang tanggalin ni Mario ang itim na damit na nakabalot sa kanyang daladala. Bumungad ang isang matalim na itak. Isa, dalawa, tatlo, apat, maraming beses. Sunudsunod. Hanggang sa sumambulat sa kanyang mukha ang dugo ng propiyetaryo.
Puwing Sa Kaliwang Mata
Katirikan ng araw ngunit ang mga tao’y walang panghihinawang hinaharap ang masalimuot na landas ng buhay. Nahawa sa paroo’t paritong mga sasakyang nag-iiwan lamang ng ingay at usok sa dibdib ng kalsadang kasiping gabi’t araw ang mga taong itinakwil, pinabayaan ng lipunan.
Nakaupo ako sa dulong upuan ng dyip habang binabagtas ang kahabaan ng maalikabok na kalsada ng Espanya sa Maynila nang biglang sumakay mabaho’t marungis na mag-inang badjao.
Hindi pa man nakauupo ang mag-ina ay nag-aabot na ito ng ilang piraso ng puting sobre sa mga pasahero na nakasulat ang ganito:
Magandang araw po.
Ako po ay isang badjao.
Humihingi po ng konting tulong.
Salamat po.
Magulo ang maruming buhok ng inang badjao. Sunog-sa-araw ang balat na kakikitaan ng mga pantal at sariwang sugat. Nakasuot ng pulang daster na naguguhitan ng mga halaman at bulaklak. Nakasinelas ng gomang pudpod ang mga paang nangangapal sa kalyo’t dumi. Sapupo ng tila kumot na nangingitim sa dumi ang anak na nasa isang taon ang gulang. Payat ang bata. Marumi ang maliit na pisngi. Malamlam ang mga mata at ang mga kamay at paa’y may galis.
Dumukot ako sa bulsa ng aking pantalong maong ng pera. Mga ilang piraso ng piso’t limampiso at papel na dadalawampuin. Binuksan ko ang sobre habang nakatingin sa inang badjao na naghihintay sa mga pasaherong maglalagay ng pera sa loob ng sobre. Inilagay ko ang tanging papel na pera at ibinigay sa inang badjao.
Bago bumaba ang mag-ina ay hinawakan niya ako sa braso at nagwika sa bahaw na tinig.
“ Salamat iho.” Ngumiti pagkatapos.
Aywan ko kung bakit hindi ako nakapagsalita at ni nakakilos man lang.
Naramdaman ko ang makapal at magaspang na palad ng kanyang butuhang kamay.
Habang inihahatid ng aking tingin ang papalayong mag-inang badjao na nakikipagpatintero sa mga mabilis na sasakyan, biglabigla, napuwing ako at nabasa ng luha ang aking kaliwang mata.
Saturday, August 28, 2010
Si Ella
Iyon ay isang bakal na pintuang napipintahan ng matingkad na pula. Sa loob nito, makikita ang isang makitid na hagdang-kahoy paakyat sa isang kuwarto na ang pintua’y barnisado at gawa sa mumurahing kahoy. Sa gilid ng pintuan, mayroong maliit na basurahang plastik na kulay bughaw. Napagigitnaan ang magkabilang gilid ng pintuang bakal na iyon ng dalawang establisimyento. Ang isa’y maliit na karinderyang puntahan -dili ng mga tao at isang maliit na tindahang sarisari.
Nakaupo si Ella sa may bangketa, nakatanghod sa nagdaraan tila humihingi ng kaunting awa sa dahop na kapaligiran. Walong taong gulang si Ella. Pantay-balikat ang nakalugay na maruming buhok. Payat. Humpak ang pisngi. Malamlam ang mabibilog na mata. At sa manakanakang pagngiti’y pinanunungawan ng dilaw na mga ngipin at mangilanngilang bungi. Nangungutim ang suot na puting t-shirt na lampas siko ang manggas at pantay-tuhod ang laylayan. Nakayapak. Mahahaba at pulos marurumi ang mga kuko sa kamay at paa.
Matamang pinagmamasdan ni Ella ang pintuang iyon. Sa bawat taong nagdaraan, nakalahad ang kanyang munting kamay. Aywan ni Ella kung bakit naging interesado siya sa lugar na iyon. Sa tuwing nagdaratingan ang mga tao sa lugar na iyon, marami ang nagbibigay sa kanya ng barya. At ang mga taong iyon ay pumapanhik sa loob ng kuwartong nasa itaas.
Matagal nang nakapuwesto si Ella sa bangketang iyon. Napapansin niya na bawat araw, lalo na kung araw ng linggo, ay maraming taong dumarating. At kasabay noon ang pagkahabag sa kanya at pagbibigay ng mga ito ng barya.
Arawaraw. Tuwing ikaapat ng hapon hanggang maghatinggabi ay may dumarating. Kada oras may limang babae’t lalaking dumarating.
“Parang simbahan…an’daming pumupunta,” aniya ng pabulong.
Napansin ni Ella na ang lahat ng nagpupunta sa lugar na iyon, matapos umakyat sa kuwartong nasa itaas, ay mga nangakangiti at nagtatawanang nananaog.
Gustong akyatin ni Ella ang kuwartong nasa itaas. Ngunit nasa makalabas lamang ng pintuan sa ibaba si Mang Dado. Takot siya rito. Sapagkat ilang beses na niyang tinangkang akyatin ang kuwartong nasa itaas. Ngunit bigo siya. Lagi siyang hahawakan sa buhok at hahaltakin at mapapasigaw siya sa sakit. Kapag naroon si Mang Dado--umaalis lamang sa pagkakaupo sa harap ng pintua’y kung bibili ng sigarilyo na nasa tabi lamang ang tindahan--ay kuntento na lamang siyang nakaupo sa bangketa at namamalimos at sisilipsilip sa pintuang iyon.
Malaking tao si Mang Dado. Mataba at malapad ang katawan. Usli ang malaking tiyan; waring buntis na hinihimashimas- libangan nito pagkatapos kumain. Malaki ang panga. Makapal ang tubo ng kilay at malapad ang mukha.
Minsan, napansin ni Ella na wala sa labas si Mang Dado. ‘alang bantay, naisaloob niya. Pagkakataon na niya. Nagmamadali niyang inakyat ang makitid na hagdan hanggang marating niya ang itaas nito. Gusto niyang makita ang loob ng kuwarto. Gusto niya ring sumaya tulad ng mga taong lumabas-pumasok sa kuwartong iyon na mga nakangiti at masasaya. Nagmamadali niyang pinihit ang nikiladong pihitan. Pumihit iyon. Bumukas. Dahandahan niyang binuksan ang pinto. Nagulat siya sa loob ng kuwarto. Namangha. Tuwangtuwa. Madilim, tanging ang iba’t ibang kulay ng liwanag na umiikot sa buong kuwarto ang nagsisilbing ilaw. May kalakihan ang kuwarto.
“Ang ganda…kulay reynbow,” pamanghang sabi niya.
Lumingalinga siya. At dirediretsong pumasok sa loob. Napansin niya ang mga tabing na telang itim. Ngunit nakapukol pa rin ang kanyang mga mata sa iba’t ibang kulay ng liwanag na iniluluwal ng hugis-bolang nakasabit sa kisame.
“Sayang ‘ala si Ana. Sana ‘andito s’ya para nakita n’ya ‘yung reynbow…ang ganda pa naman,” bulong ni Ella sa sarili.
Mayamaya’y may narinig siyang mahihinang tawa’t ungol. Sa ilang saglit na pakikinig, napansin ni Ella na ang ingay na iyo’y nagmumula sa kabila lamang ng itim na telang nakatabing na nasa harap niya.
Dahandahan niyang nilapitan. May maliit na butas ang tela na pantay-noo niya. Naningkayad siya at sinilip ang loob niyon. Nakita niya ang isang babae at lalaki. Nakapatong sa ibabaw ng lalaki ang babae. Tumatawa ang babae. Masaya ang dalawa habang umaalon ang dalawang nilalang sa ibabaw ng kama.
Napaisip siya at nagtaka. At hindi namalayan ni Ella na ang hugis-bolang nakasabit sa kisame na pinagmumulan ng iba’t ibang kulay ng liwanag ay hindi na umiikot at hindi na nagluluwal ng kulay bahagharing liwanag.
Thursday, August 26, 2010
Kalbaryo Sa Madaling-Araw
Magdadalawang linggo na ang sunudsunod na kilos-protesta ng mga manggagawa, magsasaka, kawani, guro at estudyante para sa mga batayang karapatan at pangangailangan ng mga mahihirap. Kasabay din nito ang walang tigil na pambubuwag ng mga pulis at militar sa hanay ng mga raliyista sa Mendiola, Liwasang Bonifacio’t Batasang Pambansa. At nandudumilat ang mga balita sa mga pahayagan tungkol sa walang pakundangang pagdukot at pagpatay sa mga mulat, progresibo at makabayang tumutuligsa sa bulok at inuuod na sistema ng pamahalaan.
Maghahatinggabi na nang matapos ang inyong pagpupulong sa pamantasan hinggil sa susunod na hakbang ng mga estudyante upang putaktihin ng protesta ang administrasyon sa pagpapabaya nito sa karapatan ng mga kabataan sa maayos, de-kalidad at libreng edukasyon.
Naglalakad ka pauwi, di-kalayuan sa pamantasang pinanggalingan, nang harangin ka ng dalawang lalaki. Hinawakan ka sa magkabilang kamay at biglabiglang kinulata ka ng baril.
Madaling-araw.
NAGISING kang kumikirot sa sakit ang iyong ulo’t magkasalikop na nakaposas sa likod ang mga kamay. Nasa isang maliit na kuwarto kang walang laman kundi isang maliit na mesang kahoy, isang bombilyang nakasabit sa di-kataasang kisame at isang karaniwang papag na gawa sa kahoy. Naririnig mo ang usapan ng dalawang lalaking dumukot sa iyo na nasa kabila lamang ng pinto.
“Ano ba sabi ni Sarge?”
“Katulad nang ginawa natin sa iba pa. Para kang bago nang bago.”
“Mga tarantado kasi…rali nang rali…gusto pang masaktan at mamatay.”
“Ganyan talaga ‘yang mga ‘yan, mga walang utak…’di nag-iisip.”
“Idispatsa na natin para matapos na.”
“Bobo ka ba? Parausan muna natin… may itsura e.”
“Ikaw na lang. Dito na lang ako sa labas. Nasaid ako kan’ina sa tinodas natin. Wala na ‘kong stock ng tamod.”
Narinig mo ang malakas na tawa ng dalawa.
“Sige ako na lang ang bibira.”
Bumukas ang pinto at nakita mo ang itsura ng ahente ng militar na dumukot sa iyo. Malapad ang noo. Pangahan at malalaki ang naninilaw na mga ngipin. Malalaki ang mga mata. Malaki ang pangangatawan kahit may katabaan.
Napaigtad ka sa iyong kinauupuan na papag nang lumapit siya sa iyo. Sinunggaban kang hayuk na hayok sa iyong katawan. Pinunit ang damit mo. Humantad ang iyong puting bra. Nilamas iyon at binaltak ang iyong bra na tumatakip at umaalaga sa iyong mga suso. Hindi ka makapanlaban. Mahigpit ang pagkakaposas sa mga kamay mo. Sa bawat galaw, katumbas ay kirot sa iyong mga kamay.
Minura mo siya.
“Putang ina mo! Hayop ka!”
Binusisi ka. Nilamutak ang iyong mga suso. Dinilaan. Sinupsop. Walang humpay. Mayamaya, hinubad ang pantalon mo. Tinadyakan mo siya. Maririing suntok, dagok at sampal ang iginanti sa iyo. Pumutok ang labi mo. Nalasahan mo ang dugo sa iyong labi. Kumikirot iyon. Masakit. Hinubad ang iyong panti. Kinipit ng dalawang hita mo ang iyong kiki. Ibinukaka ang iyong mga hita. Malago ang tubo ng iyong bulbol. Dinaliri ang kiki mo. Kumikislot, pumapalag at napapairi ka. Mayamaya’y dinilaan iyon. Loob at labas. Napapairi ka. Nagpatianod ka na lang. Hinubad ng buhong militar ang kanyang pantalon. Dumukot ang kamay sa brief at inilabas ang malaki, mapula at naninigas na titi.
“Kilala mo ba ‘to?” tanong sa iyo at mahigpit na hinawakan ang nagngangalit na titi. “Ito ang alaga ko…’pakikilala ko sa’yo”
Tumawa nang malakas ang buhong militar.
“Hayop ka! Malibog! Putang ina mo! Putang ina n’yong mga militar kayo!”
Idinapo na naman sa iyo ang maririing suntok, dagok at sampal. Dinuraan mo ang mukha niya. Hinawakan ka nang mahigpit sa buhok. Kumikirot ang sakit sa iyong anit. Suntok, dagok at sampal ang inabot mo. Masakit na ang iyong katawan at mukha sa mga tinanggap.
Ang mga dagok, suntok at sampal na tinatamo mo sa kanya, hindi mo na mabilang kung ilan, ay ginagantihan mo ng mura at dura.
Lalong binukaka ang iyong mga hita. Ibinaon sa kiki mo ang kanyang malaki, mapula at naninigas na titi. Napasigaw ka sa sakit. Napairi, napaungol at napaigtad. Sunudsunod at mabilis, walang humpay na pagkadyot ang ginawa sa iyo. Nagpatianod ka na lang. Nararamdaman mong tila lalong humihigpit ang posas sa mga kamay mo. Mas masakit kaysa kangina. Basangbasa na ang kiki mo ng tamod. Nararamdaman mong lumalandas iyon sa iyong kuyukot. Hindi ka umiiyak sa mga sakit at pambababoy na ginagawa sa iyo. Pinuputan ina mo siya ngunit tila wala siyang naririnig. Abala siya sa paghindot sa iyo. Waring nasisiyahan sa sunudsunod, mabilis, at walang humpay na pagkadyot sa iyo.
Mayamaya’y tumigil. Inakala mong tapos na ang iyong kalbaryo. Ngunit hindi. Sinabunutan ka muli. Mahigpit. Ipinasubo sa iyo ang namumula’t naninigas na titi ng buhong militar. Iniiwas mo ang mukha’t bibig mo. Dinig mo ang tawa niya habang isinasampalsampal sa mukha mo ang kanyang titi. Pinagmumura mo siya.
“Putang ina mo! Baboy ka! Hayop!”
“Putang ina mo rin!” sabay sunudsunod na dagok,suntok at sampal sa iyo.
Ipinasubo na naman sa iyo ang kanyang titi. Nanlaban ka pa rin. Iniiwas mo ang mukha mo. Suntok, dagok at sampal. Inulit muli. Inulit mo rin ang pag- iwas ng mukha mo. Suntok, dagok at sampal. Untiunting nauubos ang iyong lakas, waring nauupos na kandila ka sa harap niya. Hindi ka na makalaban. Masakit ang mga pasa sa mukha’t katawan mo. Putok ang labi’t kilay mo.
Muling idinuldol sa iyo ang kanyang naninigas na titi. Ipinasubo sa iyo. Wala ka nang lakas. Napilitan kang isubo ang kanyang titi.
“Sige…ganyan…galingan mo,” sabi sa iyo habang napapairi ang buhong militar.
Mahigpit na sinabunutan ka sa buhok. Itaas-ibaba ang ulo mo sa titi niya. Mabilis at maririin. Umaabot sa lalamunan mo ang ulo ng titi ng militar. Naduduwal ka ngunit wala siyang tigil sa pagtaas-pagbaba ng ulo mo. Sunudsunod at mabibilis.
Biglabigla, waring matalim na labahang humiwa sa utak mo, naalaala mo ang dating mga kasamahang dinukot at pinatay ng mga militar. Si Oneng: nakita na lamang sa talahiban sa ilang na lugar na lasuglasog ang katawan sa maraming balang tinamo. Si Tanya: nakitang lulutanglutang sa ilog; hubo’t hubad, pulos pasa sa mukha’t katawan, tapyas ang utong at may pasak ng bote ang kiki. Si Danny: halos di na makilala, winasak ng bala ang mukha, at marami pang katulad na dinukot at pinatay.
Alam mong hindi ka bubuhayin. Nagpupuyos sa ngitngit ang utak mo. Napopoot ka. Naalaala mong sinusupsop mo ang kanyang titi. Biglabigla, dala ng matinding galit, mariin mong kinagat ang makunat na balat at laman ng titi niya. Bumaon ang mga ngipin mo hanggang maputol iyon. Nalasahan mo ang dugo niyon. Pumalahaw ng sigaw ang militar. Ibinuga mo ang naputol na ulo ng titi.
Sansaglit, umalingawngaw ang sunudsunod na putok kasabay ng mga pagyanig sa iyong dibdib.
Subscribe to:
Posts (Atom)