Thursday, March 24, 2011

Trahedya*

Ibinurol siyang malayo sa kanilang
bahay. Sabi ng marami, malaking
kahihiyan ang pagpapakamatay
niya.

Naglaslas ng pulso! Uminom ng silver cleaner!

Ilang buwan na lang tapos na niya ang hayskul.

Pinagalitan ng titser niyang matandang bading.
Ipinahiya rin ang kanyang mahal na ama.

Hindi raw siya pagtatapusin!

Labis niyang dinamdam: paninigaw, pagpapahiya
ng titser niyang matandang bading.

Ibinurol siyang malayo sa kanilang bahay.
Ibinurol at inilibing siyang ikinahihiya
ng maraming nakakikilala.


*Para kay Ging Ging

1 comment:

  1. hindi ko gusto ang tapos.

    pare, sa ganang akin... mas malakas kung nilangkap mo yung perspektibo ng guro...

    pero panalo pa rin... gusto ko mga produkto mo ngayon...

    ReplyDelete