Tuwangtuwa siya sa kanyang pamangkin
Arawaraw niya itong ipinagpapaalam
sa magulang nito na kakargahin niya't
lalaruin.
Nang magka-asawa siya't mabuntis
Pinangarap niyang maging tulad ng kanyang
pamangkin: bibo, masayahin at malusog
ang kanyang isisilang na anak.
Lahat ng bilin ng doktor sa kanya ay kanyang
sinusunod: uminom ng vitamins, gatas,
huwag magpupuyat at magpapagod
nang hindi malaglag ang kanyang anak
at magkaroon ng diperensiya.
Ngayong kabuwanan na niya,
dinoble niya 'ika nga ang kanyang pag-iingat
at pag-aalaga sa sarili at sa dinadalang sanggol.
Ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa pagawaan ng sigarilyo
ay madalas na nag-uuwi ng mga prutas
at kung anuanong pinaglilihian niyang pagkain.
Humilab ang kanyang tiyan.
Nataong wala ang kanyang asawa't nasa trabaho
Buti na lamang at naroon ang kanyang
ina para tumingin sa kanya.
Isinugod siya sa ospital pagkat
nararamdaman niyang manganganak na siya.
Nang siya'y magising,
wala sa kanyang tabi ang kanyang anak.
Sumigaw siya.
Ang anak ko! Nasa'n ang anak ko?
Dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho nito.
Lumuluha't nababaklang sinabi sa kanya:
Patay ang anak natin. Patay siya.
Lumapit ang nars kargakarga ang patay
niyang anak.
May tahi ng sinulid sa leeg...
* alay sa mga sanggol na naputulan ng leeg dahil sa kapabayaan ng mga duktor
No comments:
Post a Comment