walang makapagsasabi kung paano umiikot ang mundo,
kung paano pinaglalaruan ng buhay at panahon ang tao,
at kung paano rin hihilom ang sugat na dala ng pagkakataon.
hanggang kailan nga ba yuyuko at babatain ng tao
ang sakit ng dusa at salamin ng nakaraan at ngayon
na ibinabalik ng damdamin at buryong?
*kay Kasamang Mark
* sa akin, hindi madulas, simple ang pamagat. pero maganda ang linya. "walang makapagsasabi kung paano umiikot ang mundo,
ReplyDeletekung paano pinaglalaruan ng buhay at panahon ang tao,"
ang tagal mong maglagay sa blog mo. nailagay ko na "Kalawanging Dyip" sa blog ko, "Mga Kahol ni Clinton," "klase sa Pilosopiya," "Dalawang Bolpen, Itim at Asul." hinihintay ka na nga nila ye, haha. Mabuhay ka!
pare, salamat sa tula.
ReplyDeletehindi na kita tatasain sa estetika ng tula, ako ma'y nagtatasa sa gulanit kong pagtutugma at pananlinghaga. nagugumon ako ngayon ng kawalan at kung anong hinahananap na katuturan.
bata pare, tula tayo, kuwento lamng nang kuwento.
gusto ko ang unang dalawang linya, sinsero at matapat na pahayag. kung hindi ito tula, at bahaw na mga kataga para sa mga tagapamandila ng estetika at husay, hindi ko na kailangan pang magtula. mamatay tayo nang tulala.
yun din ang unang basa ko dito Jack, sincere.
ReplyDelete