Thursday, December 13, 2012

Boksing



Katatapos ko lang magbayad nang may isang gagong
Nakatayo sa pintuan ng computer shop ,
Padaan ako pero umabante ang loko
Nang-iinis, nagti-trip..

“Ano bang problema mo, tarantado ka?”,sabi ko
“Okey  to a”, sabay tingin sa katabi niyang isa ring tarantado’t kalahati

Sa totoo lang, tang ina, ang baho ng hininga niya!…

“Kung lasing ka, itulog mo yan, tarantado!”, sabi ko.

Binigyan ko ng isang suntok sa mukha,
Napaurong nang bahagya,
Sinundan ko pa ng isa,
Ininda.

Humugot ako mula sa ilalim ng isang kanan,
Nasalag ng kaliwa niyang braso.

Open ako,
Mula sa ilalim, nakita ko ang mabilis na parating na kanan,
Hindi ko na naiwasan,
Tinamaan ako sa kaliwang mata,
Napaurong ako,

May kalakasan ‘yon, naisaloob ko.

Pag-urong ko, saktong nasa hangganan ako ng mataas na bangketa,
 Nadulas ako at napaupo,
Bangon ako, karipas ng takbo ang gago.

“Ano ka? Ang laki mo, isang suntok ka lang!” sigaw ng gago habang
nakalayo nang may ilang dipa sa akin.
“Tang-ina mo, ‘pag nahuli kita, babasagin ko pangnguya mong tang ina mo ka!”..

Hindi ko naabutan ang gago, ang bilis tumakbo.

Ilang araw ang dumaan at hindi ko na nakita ang tarantado.

Ilang araw pa ang lumipas at napadaan ang gago sa eskinitang pinagtatambayan ko.
(kining ina mo! Ang malas mo!)

Nasa loob ako ng sidecar, naninigarilyo’t kausap ang isang kaibigan.

Napansin ko ang gago na parating.

“Pare, tignan mo muna ‘tong tsinelas ko,” (pasmado ako at madulas, hindi ako makakagalaw nang maayos baka maisahan na naman ako, tama na ang isa.), sabi ko sa kaibigan ko.

Nagulat ang loko nang lumabas ako ng sidecar,
Mula sa ilalim, maganda ang bwelo ko.
Inabot sa pagitan ng mga mata ang tarantado.
Biglang tutop ng  dalawang kamay ang mukha,
Sinundan ko ng isa pang kanan,
Bumuka ang dalawang kamay na nakasalag sa mukha.
Inabot pa rin ang pagitan ng mga mata.

Nagdugo ang pagitang iyon..
Mahaba ang nalikhang hiwa-paibaba  sa pagitan ng mga mata

Malakas ang tulo ng dugo sa mukha ng gago..

Naawa ako bigla…

Hindi na ako sumuntok pa,
Sinipa ko na lang sa puwet ang loko.

“Ang tapang mo para magpakita sa’ken, tarantado!,”

Kinuha ko ang tsinelas sa kaibigan ko’t umuwi ng bahay agad-agad.

Alam kong may resbak,
Hindi patas kung marami ang darating para sa saklolo.
Gago ba ako para manatili roon at maghintay ng ikasasakit ng katawan ko.

Sa bahay, nananakit ang kamao ko.
Napilayan.
Nasobrahan sa lakas.
Pinahilot ko sa nanay ko, masakit.

“Bakit ka napilayan?” sabi ni Nanay.

At doon na nag-umpisa ang sermon habang
iniinda ko ang sakit ng dalawang daliri ko sa kanang kamay.

No comments:

Post a Comment