Wednesday, January 25, 2012

Para sa iyo, marie digby

 
Krismas parti ng mga titser nang araw na iyon. Wala akong pakialam kung sino ang pinagkakaguluhan ng mga shit na titser sa buong anniversary hall (pangalan ng bagong building dahil malapit na ang 50th anniversary ng eskuwelahan).

Marie Digby raw ang pangalan.
International singer.
At kung anuano pang ewan.

Mayamaya’y lumabas ang hinihintay ng lahat: mga lalaking titser (may asawa man  o may kabit na estudyante o wala sa nabanggit).

Matangkad na babae.
Maputi at ika nga’y malaporselana ang kutis.

Tuwangtuwa ang lahat. Walang patid ang alingawngaw ng mga sigawan. Nakasisilaw ang walang patid ding flash ng mga kamera.

Wala akong pakialam sa’yo hindot! Gusto kong isigaw.

Mabait pa rin ako dahil hindi ko ginawa.

Nakinig ako sa sigawan at nanood sa pagkakagulo nila.

Parang puking nagsasalita ang tingin ko sa dayuhang bisita…


dahas


Bigla akong nagising nang biglabiglang bumangon si Farren sa pagkakahiga sa tabi ko. Alas dos ng madaling araw. May dumaang daga.  isandangkal ang haba. hirap mang iangat ang mabigat na mga talukap ng mata, pinilit kong gumising at intindihin ang kanyang sinasabi.

May daga, may daga!  takot na sabi niya sa akin.

Wala pa akong nabibiling kabinet para sa kanyang mga damit. Patungpatong lamang ang mga iyon sa gilid ng aming higaan.

Matulog ka na, sabi ko. Wala na. wala lang ‘yon.
Naramdaman ko ang pag-iiba ng kanyang loob.

Hindi ako matutulog, hindi ako matutulog, babantayan ko mga damit ko! Sabi niya sa aking tila nagbabanta.

Sipsip


 Sipsip-dura. Nakailang bata na nga ba ako?
Lima na siguro, ay teka anim na yata?
Si jayjay, si james, si Chris, si?
Ano nga ba pangalan no’n?

Makakalimutin na talaga ko,
Mahirap talaga kapag tumatanda.

Ang gandang bata ng anak ni Jeling bungangera
Ang sarap kurutin ang pisngi
Kaso nakakaawa may sipon
At mag-iisang linggo na.

Nakakalungkot.
Naalaala ko tuloy si Junjun ko
Nang magkasakit din ng malalang sipon
Maya’t maya kong sinisipsip ang ilong
Mailabas lang ang sipon
Ng Junjun ko.

Nabigla na lang ako
Nang lagnatin at nagdeliryo…
Kitangkita ko kung gaano kahirap
Ang nararanasan ng Junjun ko

Iyak ako nang iyak no’n
Sigaw ako nang sigaw
At tinatawag ko ang pangalan niya

Junjun….Junjun….Junjun….

Sipsip-sipon ako. Maririin..
Yo’n bang sipsip na gusto mong makuha
Ang lahat ng sipon sa ilong nang makahinga
Ang bata.

Ginawa ko yo’n nang sandaling iyon.

Dumura ako at nakita kong may bahid ng dugo
Ang sipon ng Junjun ko…..

Ilang saglit lang, wala nang buhay ang Junjun ko
May natirang sipon-dugo sa labas ng ilong….

Sinipsip ko pa rin
Gusto kong mawala ang sipon at dugo sa ilong ng Junjun ko……

paskonapalamaryjeansuela


wasted na ko.              katatapos lang ng turo ko sa isang putang inang eskuwelahan sa Cubao.      maraming deadline.                     maraming dapat gawin at ipasa sa masteral.   hindi ko na alam kung ano ang uunahin at isusunod.                     Isa lang ang malinaw, tinataranta ako ng mga gawain.                      maputik ang kahabaan ng Divisoria.                        para akong astronaut maglakad.                     kagalit ko rin ang mga nakasasalubong at nakasasabay sa paglalakad.           malapit sa Puregold,                narinig ko ang kantahan ng mga bata ng awiting pampasko.                 nilingon ko.                 matatamis ang kanilang mga ngiti.             napangiti ako.             pasko na pala, naisaloob ko.                biglang may kumirot sa alaala at puso ko.                         magpapasko rin noon nang isulat ko ang istorya ni Mary Jean Suela*…

*Nabasag ang bungo nang mabagsakan ang ulo ng isang malaking elbowpipe ng tubig nang pauwi galing sa pangangaroling .

mga kuwento ng mga nakakasalubong ko sa daang juan luna, divisoria…


…pokpok talaga ang putang ina, nakita ko kagabi sa eskinita..kasama si jerring adik.
tignan mo yung anak, payat at nanlilimahid

…pumunta ka ba kina oscar? naro’n ba siya? kukunin ko y’ong libro ko e..hiniram, hindi na ‘binalik ng ‘lang ‘ya.

…tagay  tayo mamaya sa bahay…birthday ni kumander…wala lang kantahan pare, ayaw nun ng maingay..
sige, subukan kong pumunta.. una na ‘ko

…may eksam ba tayo kay sir  larry? hirap naman kasi nun magpaeksam..
hindi ka talaga nakikinig, sinabi niya nung last meeting, may eksam…

…bibili ako ng kape..inaantok na ‘ko, anong oras ba darating si kevin? may pupuntahan pa ako..ako na nga nagbantay dito magdamag..

…bangkusay….bangkusay….

…velasques….velasques…dalawa pa..

…ate…ate…konting ayos lang o, maluwag pa yan…

…umiskor na naman si Joey kagabi e, solb ang tarantado. nagtitrip kagabi. naghahanap ng away…

…malapit na ‘ko! nagmamadali ka naman.. atat ka ba?

…dadalaw ako bukas kay dante, ikaw? nami-miss ka na nun pare…tagal mo nang hindi nakikita yung kaibigan mong ‘yon…nagtatampo na nga sa’yo e…

…ayokong dumalaw pare…ayokong mahabag sa lagay ng kaibigan ko…