Bigla akong nagising nang biglabiglang bumangon si Farren sa pagkakahiga sa tabi ko. Alas dos ng madaling araw. May dumaang daga. isandangkal ang haba. hirap mang iangat ang mabigat na mga talukap ng mata, pinilit kong gumising at intindihin ang kanyang sinasabi.
May daga, may daga! takot na sabi niya sa akin.
Wala pa akong nabibiling kabinet para sa kanyang mga damit. Patungpatong lamang ang mga iyon sa gilid ng aming higaan.
Matulog ka na, sabi ko. Wala na. wala lang ‘yon.
Naramdaman ko ang pag-iiba ng kanyang loob.
Hindi ako matutulog, hindi ako matutulog, babantayan ko mga damit ko! Sabi niya sa aking tila nagbabanta.
No comments:
Post a Comment