- (undated as an essay) Excerpt:
"The whole conviction of my life now rests upon the belief that loneliness, far from being a rare and curious phenomenon, peculiar to myself and to a few other solitary men, is the central and inevitable fact of human existence. When we examine the moments, acts, and statements of all kinds of people -- not only the grief and ecstasy of the greatest poets, but also the huge unhappiness of the average soul…we find, I think, that they are all suffering from the same thing. The final cause of their complaint is loneliness."
--Thomas Wolfe
Wednesday, September 14, 2011
God's Lonely Man
Tuesday, August 30, 2011
Tuwid Nga Ba Ang Nilalandas? *
Kung babalikan ang nakaraan, totoong malaki ang gampaning naitulong ng ating wikang pambansa sa pagkakaisa at pagtatagumpay ng ating pakikipag-ugnayan sa iba pang mga Pilipino. Ang mga hidwaan at sigalot ay natapos bagamat ang usapin sa Mindanao ay hindi pa rin magpahanggang ngayon nareresolba dahil sa pulitika.
Dumako tayo sa pulitika kung saan ang huling parirala ay akmang-akma. Tuwid na Landas. Paano nga ba makakamit ang kasaganahan at kaayusan kung ang ipinangangalandakang tuwid na landas ay hungkag at moro-moro. Masarap pakinggan ang linyang tuwid na landas kung nagagawa ng rehimeng US-Aquino. Ang usapin lamang sa pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka nito ay isang kongkretong batayan na upang masabing nasa bakubako at likulikong landas ang ating lipunan, hindi pa kasama riyan ang kabikabila at maya’t mayang pagtaas ng presyo ng langis at bilihin samantalang ang sahod ng mga manggagawa ay nananatiling panawid-gutom lamang.
Paliitin natin ang sakop ng diskusyon, kung ang pinakamataas na pinuno ng ating bansa ay hindi kayang ituwid ang landas ng lipunang Pilipino, paano pa kaya ang namumuno sa isang eskuwelahan kung saan hindi naisip ang salitang konsiderasyon. Paano itutuwid ang landas ng eskuwelahan kung mismong polisiya o patakarang pinaiiral ay dispalinghado? Hindi ko lubos maisip kung paanong hindi puwedeng ayusin ang lugar na pagdarausan ng pagdiriwang dahil walang maintenance nang araw na iyon, kokonsumo ng kuryente, at baka raw makasira ng gamit ng eskuwelahan ang mga bata na magpapraktis ng kanilang presentasyon. Nakatatawang isipin, mabigat ang dahilan.
Nagtiis na lamang ang mga bata sa mainit na parking lot at canteen. Buti na lang at hindi umulan, kung hindi lahat kami ay nasa ospital ngayon at nagdedeliryo. Kumirot tuloy sa isip ko na binabayaran ng mga bata ang koryenteng nagagamit ng eskuwelahan kasama na rito ang pasahod sa maintenance. Bakit ipinagkait? Masarap ngumiti at tumawa kapag ganyan ang nangyayari sa paligid.
Tuwid na Landas. Tuwid nga ba ang nilalandas? Tabi-tabi po! Maraming Salamat. * binigkas sa araw ng pagdiriwang ng buwan ng wika sa STI COLLEGE Quezon Avenue
Thursday, August 25, 2011
Sinulid *
Tuwangtuwa siya sa kanyang pamangkin
Arawaraw niya itong ipinagpapaalam
sa magulang nito na kakargahin niya't
lalaruin.
Nang magka-asawa siya't mabuntis
Pinangarap niyang maging tulad ng kanyang
pamangkin: bibo, masayahin at malusog
ang kanyang isisilang na anak.
Lahat ng bilin ng doktor sa kanya ay kanyang
sinusunod: uminom ng vitamins, gatas,
huwag magpupuyat at magpapagod
nang hindi malaglag ang kanyang anak
at magkaroon ng diperensiya.
Ngayong kabuwanan na niya,
dinoble niya 'ika nga ang kanyang pag-iingat
at pag-aalaga sa sarili at sa dinadalang sanggol.
Ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa pagawaan ng sigarilyo
ay madalas na nag-uuwi ng mga prutas
at kung anuanong pinaglilihian niyang pagkain.
Humilab ang kanyang tiyan.
Nataong wala ang kanyang asawa't nasa trabaho
Buti na lamang at naroon ang kanyang
ina para tumingin sa kanya.
Isinugod siya sa ospital pagkat
nararamdaman niyang manganganak na siya.
Nang siya'y magising,
wala sa kanyang tabi ang kanyang anak.
Sumigaw siya.
Ang anak ko! Nasa'n ang anak ko?
Dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho nito.
Lumuluha't nababaklang sinabi sa kanya:
Patay ang anak natin. Patay siya.
Lumapit ang nars kargakarga ang patay
niyang anak.
May tahi ng sinulid sa leeg...
* alay sa mga sanggol na naputulan ng leeg dahil sa kapabayaan ng mga duktor
Arawaraw niya itong ipinagpapaalam
sa magulang nito na kakargahin niya't
lalaruin.
Nang magka-asawa siya't mabuntis
Pinangarap niyang maging tulad ng kanyang
pamangkin: bibo, masayahin at malusog
ang kanyang isisilang na anak.
Lahat ng bilin ng doktor sa kanya ay kanyang
sinusunod: uminom ng vitamins, gatas,
huwag magpupuyat at magpapagod
nang hindi malaglag ang kanyang anak
at magkaroon ng diperensiya.
Ngayong kabuwanan na niya,
dinoble niya 'ika nga ang kanyang pag-iingat
at pag-aalaga sa sarili at sa dinadalang sanggol.
Ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa pagawaan ng sigarilyo
ay madalas na nag-uuwi ng mga prutas
at kung anuanong pinaglilihian niyang pagkain.
Humilab ang kanyang tiyan.
Nataong wala ang kanyang asawa't nasa trabaho
Buti na lamang at naroon ang kanyang
ina para tumingin sa kanya.
Isinugod siya sa ospital pagkat
nararamdaman niyang manganganak na siya.
Nang siya'y magising,
wala sa kanyang tabi ang kanyang anak.
Sumigaw siya.
Ang anak ko! Nasa'n ang anak ko?
Dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho nito.
Lumuluha't nababaklang sinabi sa kanya:
Patay ang anak natin. Patay siya.
Lumapit ang nars kargakarga ang patay
niyang anak.
May tahi ng sinulid sa leeg...
* alay sa mga sanggol na naputulan ng leeg dahil sa kapabayaan ng mga duktor
Monday, July 11, 2011
Tugma*
Ikasiyam ng Hunyo nang
magsama ang dalawang nilalang
na pinagtugma
ng pait at kirot ng nakaraan.
Ilang beses na nga bang umindak
ang ating mga katawan
sa lambong ng dilim at pusok?
Ilang beses na nga bang sinalunga
natin ang pangamba
na mahuli sa ritwal na ating idinaraos
kapiling ang mabango't malambot
na kumot at banig
na hinabi ng bihasang mga kamay?
Ilang beses na nga bang gumapang
ang mga kamay sa sinasambang
katuparan ng katawan?
Ikasiyam ng Hulyo,
isang buwan na tayong patungo
sa walang-limitasyong-pag-iibigan.
Sa puso't isip, bawat araw
na lumilipas, lagi't laging
magbabanyuhay ang ating pagmamahal
sa isa't isa tulad ng pagkakapareha
ng puto't dinuguan.
*Happy Monthsary sa iyo Mahal ko!
magsama ang dalawang nilalang
na pinagtugma
ng pait at kirot ng nakaraan.
Ilang beses na nga bang umindak
ang ating mga katawan
sa lambong ng dilim at pusok?
Ilang beses na nga bang sinalunga
natin ang pangamba
na mahuli sa ritwal na ating idinaraos
kapiling ang mabango't malambot
na kumot at banig
na hinabi ng bihasang mga kamay?
Ilang beses na nga bang gumapang
ang mga kamay sa sinasambang
katuparan ng katawan?
Ikasiyam ng Hulyo,
isang buwan na tayong patungo
sa walang-limitasyong-pag-iibigan.
Sa puso't isip, bawat araw
na lumilipas, lagi't laging
magbabanyuhay ang ating pagmamahal
sa isa't isa tulad ng pagkakapareha
ng puto't dinuguan.
*Happy Monthsary sa iyo Mahal ko!
Putang ina Mo! (mamamatay ka, wag kang magpapakita!)
Wag sanang tayo' magtagpo
magtama ang ating mga mata
sa kung saan mang lugar o
ano mang pagkakataon o
okasyon.
Wag sanang pahintulutan
ng Diyos na tayo'y magtagpo
makita ko
hilatsa ng pagmumukha mo.
Magbabalik-nakaraan lamang
mga kawalang-hiyaan
at pananamantala mo
sa minamahal ko.
Ang mga araw,
linggo,
buwan
at mga taon
ng kalbaryo
sa piling mo ng minamahal ko.
Pagkat may susulak sa aking dugo,
kalamnan
at mga ugat,
sa utak
at isip ko
na magdidikta ng iyong
kamatayan.
Putang ina mo!
Wag kang magpapakita sa akin,
papatayin kita tulad ng pagpatay
mo sa kinabukasan at puso
ng iniibg at minamahal ko!
magtama ang ating mga mata
sa kung saan mang lugar o
ano mang pagkakataon o
okasyon.
Wag sanang pahintulutan
ng Diyos na tayo'y magtagpo
makita ko
hilatsa ng pagmumukha mo.
Magbabalik-nakaraan lamang
mga kawalang-hiyaan
at pananamantala mo
sa minamahal ko.
Ang mga araw,
linggo,
buwan
at mga taon
ng kalbaryo
sa piling mo ng minamahal ko.
Pagkat may susulak sa aking dugo,
kalamnan
at mga ugat,
sa utak
at isip ko
na magdidikta ng iyong
kamatayan.
Putang ina mo!
Wag kang magpapakita sa akin,
papatayin kita tulad ng pagpatay
mo sa kinabukasan at puso
ng iniibg at minamahal ko!
Sunday, July 10, 2011
Panginorin
Natatakot akong ang
maaliwalas na langit
ay mawala
at palitan ng mapanglaw,
malungkot
na
panginorin...
maaliwalas na langit
ay mawala
at palitan ng mapanglaw,
malungkot
na
panginorin...
Sunday, July 3, 2011
Lambong
Kung ako'y lambong
ng mapanubok,
walang-awang
panahon, ayoko nang magising
at mag-isip
ng tama
at mali,
ng mabuti
at masama,
ng maganda
at pangit
pagkat ako
ay masaya,
maligaya
sa piling
ng aking pangarap
na
langit....
ng mapanubok,
walang-awang
panahon, ayoko nang magising
at mag-isip
ng tama
at mali,
ng mabuti
at masama,
ng maganda
at pangit
pagkat ako
ay masaya,
maligaya
sa piling
ng aking pangarap
na
langit....
Subscribe to:
Posts (Atom)