walang makapagsasabi kung paano umiikot ang mundo,
kung paano pinaglalaruan ng buhay at panahon ang tao,
at kung paano rin hihilom ang sugat na dala ng pagkakataon.
hanggang kailan nga ba yuyuko at babatain ng tao
ang sakit ng dusa at salamin ng nakaraan at ngayon
na ibinabalik ng damdamin at buryong?
*kay Kasamang Mark
Thursday, October 6, 2011
Wednesday, September 14, 2011
God's Lonely Man
- (undated as an essay) Excerpt:
"The whole conviction of my life now rests upon the belief that loneliness, far from being a rare and curious phenomenon, peculiar to myself and to a few other solitary men, is the central and inevitable fact of human existence. When we examine the moments, acts, and statements of all kinds of people -- not only the grief and ecstasy of the greatest poets, but also the huge unhappiness of the average soul…we find, I think, that they are all suffering from the same thing. The final cause of their complaint is loneliness."
--Thomas Wolfe
Tuesday, August 30, 2011
Tuwid Nga Ba Ang Nilalandas? *
Kung babalikan ang nakaraan, totoong malaki ang gampaning naitulong ng ating wikang pambansa sa pagkakaisa at pagtatagumpay ng ating pakikipag-ugnayan sa iba pang mga Pilipino. Ang mga hidwaan at sigalot ay natapos bagamat ang usapin sa Mindanao ay hindi pa rin magpahanggang ngayon nareresolba dahil sa pulitika.
Dumako tayo sa pulitika kung saan ang huling parirala ay akmang-akma. Tuwid na Landas. Paano nga ba makakamit ang kasaganahan at kaayusan kung ang ipinangangalandakang tuwid na landas ay hungkag at moro-moro. Masarap pakinggan ang linyang tuwid na landas kung nagagawa ng rehimeng US-Aquino. Ang usapin lamang sa pamamahagi ng lupa ng Hacienda Luisita sa mga magsasaka nito ay isang kongkretong batayan na upang masabing nasa bakubako at likulikong landas ang ating lipunan, hindi pa kasama riyan ang kabikabila at maya’t mayang pagtaas ng presyo ng langis at bilihin samantalang ang sahod ng mga manggagawa ay nananatiling panawid-gutom lamang.
Paliitin natin ang sakop ng diskusyon, kung ang pinakamataas na pinuno ng ating bansa ay hindi kayang ituwid ang landas ng lipunang Pilipino, paano pa kaya ang namumuno sa isang eskuwelahan kung saan hindi naisip ang salitang konsiderasyon. Paano itutuwid ang landas ng eskuwelahan kung mismong polisiya o patakarang pinaiiral ay dispalinghado? Hindi ko lubos maisip kung paanong hindi puwedeng ayusin ang lugar na pagdarausan ng pagdiriwang dahil walang maintenance nang araw na iyon, kokonsumo ng kuryente, at baka raw makasira ng gamit ng eskuwelahan ang mga bata na magpapraktis ng kanilang presentasyon. Nakatatawang isipin, mabigat ang dahilan.
Nagtiis na lamang ang mga bata sa mainit na parking lot at canteen. Buti na lang at hindi umulan, kung hindi lahat kami ay nasa ospital ngayon at nagdedeliryo. Kumirot tuloy sa isip ko na binabayaran ng mga bata ang koryenteng nagagamit ng eskuwelahan kasama na rito ang pasahod sa maintenance. Bakit ipinagkait? Masarap ngumiti at tumawa kapag ganyan ang nangyayari sa paligid.
Tuwid na Landas. Tuwid nga ba ang nilalandas? Tabi-tabi po! Maraming Salamat. * binigkas sa araw ng pagdiriwang ng buwan ng wika sa STI COLLEGE Quezon Avenue
Thursday, August 25, 2011
Sinulid *
Tuwangtuwa siya sa kanyang pamangkin
Arawaraw niya itong ipinagpapaalam
sa magulang nito na kakargahin niya't
lalaruin.
Nang magka-asawa siya't mabuntis
Pinangarap niyang maging tulad ng kanyang
pamangkin: bibo, masayahin at malusog
ang kanyang isisilang na anak.
Lahat ng bilin ng doktor sa kanya ay kanyang
sinusunod: uminom ng vitamins, gatas,
huwag magpupuyat at magpapagod
nang hindi malaglag ang kanyang anak
at magkaroon ng diperensiya.
Ngayong kabuwanan na niya,
dinoble niya 'ika nga ang kanyang pag-iingat
at pag-aalaga sa sarili at sa dinadalang sanggol.
Ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa pagawaan ng sigarilyo
ay madalas na nag-uuwi ng mga prutas
at kung anuanong pinaglilihian niyang pagkain.
Humilab ang kanyang tiyan.
Nataong wala ang kanyang asawa't nasa trabaho
Buti na lamang at naroon ang kanyang
ina para tumingin sa kanya.
Isinugod siya sa ospital pagkat
nararamdaman niyang manganganak na siya.
Nang siya'y magising,
wala sa kanyang tabi ang kanyang anak.
Sumigaw siya.
Ang anak ko! Nasa'n ang anak ko?
Dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho nito.
Lumuluha't nababaklang sinabi sa kanya:
Patay ang anak natin. Patay siya.
Lumapit ang nars kargakarga ang patay
niyang anak.
May tahi ng sinulid sa leeg...
* alay sa mga sanggol na naputulan ng leeg dahil sa kapabayaan ng mga duktor
Arawaraw niya itong ipinagpapaalam
sa magulang nito na kakargahin niya't
lalaruin.
Nang magka-asawa siya't mabuntis
Pinangarap niyang maging tulad ng kanyang
pamangkin: bibo, masayahin at malusog
ang kanyang isisilang na anak.
Lahat ng bilin ng doktor sa kanya ay kanyang
sinusunod: uminom ng vitamins, gatas,
huwag magpupuyat at magpapagod
nang hindi malaglag ang kanyang anak
at magkaroon ng diperensiya.
Ngayong kabuwanan na niya,
dinoble niya 'ika nga ang kanyang pag-iingat
at pag-aalaga sa sarili at sa dinadalang sanggol.
Ang kanyang asawa na nagtatrabaho sa pagawaan ng sigarilyo
ay madalas na nag-uuwi ng mga prutas
at kung anuanong pinaglilihian niyang pagkain.
Humilab ang kanyang tiyan.
Nataong wala ang kanyang asawa't nasa trabaho
Buti na lamang at naroon ang kanyang
ina para tumingin sa kanya.
Isinugod siya sa ospital pagkat
nararamdaman niyang manganganak na siya.
Nang siya'y magising,
wala sa kanyang tabi ang kanyang anak.
Sumigaw siya.
Ang anak ko! Nasa'n ang anak ko?
Dumating ang kanyang asawa mula sa trabaho nito.
Lumuluha't nababaklang sinabi sa kanya:
Patay ang anak natin. Patay siya.
Lumapit ang nars kargakarga ang patay
niyang anak.
May tahi ng sinulid sa leeg...
* alay sa mga sanggol na naputulan ng leeg dahil sa kapabayaan ng mga duktor
Monday, July 11, 2011
Tugma*
Ikasiyam ng Hunyo nang
magsama ang dalawang nilalang
na pinagtugma
ng pait at kirot ng nakaraan.
Ilang beses na nga bang umindak
ang ating mga katawan
sa lambong ng dilim at pusok?
Ilang beses na nga bang sinalunga
natin ang pangamba
na mahuli sa ritwal na ating idinaraos
kapiling ang mabango't malambot
na kumot at banig
na hinabi ng bihasang mga kamay?
Ilang beses na nga bang gumapang
ang mga kamay sa sinasambang
katuparan ng katawan?
Ikasiyam ng Hulyo,
isang buwan na tayong patungo
sa walang-limitasyong-pag-iibigan.
Sa puso't isip, bawat araw
na lumilipas, lagi't laging
magbabanyuhay ang ating pagmamahal
sa isa't isa tulad ng pagkakapareha
ng puto't dinuguan.
*Happy Monthsary sa iyo Mahal ko!
magsama ang dalawang nilalang
na pinagtugma
ng pait at kirot ng nakaraan.
Ilang beses na nga bang umindak
ang ating mga katawan
sa lambong ng dilim at pusok?
Ilang beses na nga bang sinalunga
natin ang pangamba
na mahuli sa ritwal na ating idinaraos
kapiling ang mabango't malambot
na kumot at banig
na hinabi ng bihasang mga kamay?
Ilang beses na nga bang gumapang
ang mga kamay sa sinasambang
katuparan ng katawan?
Ikasiyam ng Hulyo,
isang buwan na tayong patungo
sa walang-limitasyong-pag-iibigan.
Sa puso't isip, bawat araw
na lumilipas, lagi't laging
magbabanyuhay ang ating pagmamahal
sa isa't isa tulad ng pagkakapareha
ng puto't dinuguan.
*Happy Monthsary sa iyo Mahal ko!
Putang ina Mo! (mamamatay ka, wag kang magpapakita!)
Wag sanang tayo' magtagpo
magtama ang ating mga mata
sa kung saan mang lugar o
ano mang pagkakataon o
okasyon.
Wag sanang pahintulutan
ng Diyos na tayo'y magtagpo
makita ko
hilatsa ng pagmumukha mo.
Magbabalik-nakaraan lamang
mga kawalang-hiyaan
at pananamantala mo
sa minamahal ko.
Ang mga araw,
linggo,
buwan
at mga taon
ng kalbaryo
sa piling mo ng minamahal ko.
Pagkat may susulak sa aking dugo,
kalamnan
at mga ugat,
sa utak
at isip ko
na magdidikta ng iyong
kamatayan.
Putang ina mo!
Wag kang magpapakita sa akin,
papatayin kita tulad ng pagpatay
mo sa kinabukasan at puso
ng iniibg at minamahal ko!
magtama ang ating mga mata
sa kung saan mang lugar o
ano mang pagkakataon o
okasyon.
Wag sanang pahintulutan
ng Diyos na tayo'y magtagpo
makita ko
hilatsa ng pagmumukha mo.
Magbabalik-nakaraan lamang
mga kawalang-hiyaan
at pananamantala mo
sa minamahal ko.
Ang mga araw,
linggo,
buwan
at mga taon
ng kalbaryo
sa piling mo ng minamahal ko.
Pagkat may susulak sa aking dugo,
kalamnan
at mga ugat,
sa utak
at isip ko
na magdidikta ng iyong
kamatayan.
Putang ina mo!
Wag kang magpapakita sa akin,
papatayin kita tulad ng pagpatay
mo sa kinabukasan at puso
ng iniibg at minamahal ko!
Sunday, July 10, 2011
Panginorin
Natatakot akong ang
maaliwalas na langit
ay mawala
at palitan ng mapanglaw,
malungkot
na
panginorin...
maaliwalas na langit
ay mawala
at palitan ng mapanglaw,
malungkot
na
panginorin...
Sunday, July 3, 2011
Lambong
Kung ako'y lambong
ng mapanubok,
walang-awang
panahon, ayoko nang magising
at mag-isip
ng tama
at mali,
ng mabuti
at masama,
ng maganda
at pangit
pagkat ako
ay masaya,
maligaya
sa piling
ng aking pangarap
na
langit....
ng mapanubok,
walang-awang
panahon, ayoko nang magising
at mag-isip
ng tama
at mali,
ng mabuti
at masama,
ng maganda
at pangit
pagkat ako
ay masaya,
maligaya
sa piling
ng aking pangarap
na
langit....
Saturday, April 16, 2011
Disiplina*
Mga pitong taon siya nang matuto
siyang magtanong.
Mga pitong taon din siya nang
maranasan ang unang parusa
ng ama sa kanya.
Gabi. Pinalabas ng bahay. Isinara
ang pinto at iniwan siyang nasa
labaas.
Pagod siya sa maghapong paglalaro.
Humanap ng maayusayos na mahihigan.
Natulog katabi ang basurahan.
Nakapamaluktot ang murang katawan.
Awangawa sa kanya ang kapatid na nasa
loob ng bahay.
Hindi matiis ng ina ang kanyang
kalagayan. Lumapit sa kanya.
At nagsabing:
"Anak, magpapalo ka na sa Tatay mo nang
matapos na't makapasok ka sa loob," malungkot
ang tinig ng kanyang ina.
Pumasok siya't nagpapalo.
Tapos na siya ng kolehiyo't nagtatrabaho
na. Ngunit magpahanggang ngayo'y nagtatanong
pa rin ang kanyang isip kung ano ang kanyang
kasalanan sa ama.
* Para kay Nanik
siyang magtanong.
Mga pitong taon din siya nang
maranasan ang unang parusa
ng ama sa kanya.
Gabi. Pinalabas ng bahay. Isinara
ang pinto at iniwan siyang nasa
labaas.
Pagod siya sa maghapong paglalaro.
Humanap ng maayusayos na mahihigan.
Natulog katabi ang basurahan.
Nakapamaluktot ang murang katawan.
Awangawa sa kanya ang kapatid na nasa
loob ng bahay.
Hindi matiis ng ina ang kanyang
kalagayan. Lumapit sa kanya.
At nagsabing:
"Anak, magpapalo ka na sa Tatay mo nang
matapos na't makapasok ka sa loob," malungkot
ang tinig ng kanyang ina.
Pumasok siya't nagpapalo.
Tapos na siya ng kolehiyo't nagtatrabaho
na. Ngunit magpahanggang ngayo'y nagtatanong
pa rin ang kanyang isip kung ano ang kanyang
kasalanan sa ama.
* Para kay Nanik
Pasalubong*
Nakita ko si Papa,hatinggabi
na nang umuwi galing sa trabaho.
May dalang pasalubong: fried
chicken at french fries
ng Jolibee.
Sayang dahil wala ako sa bahay.
Hindi ko nakain ang pasalubong
ni Papa.
Nalungkot ako: si Papa, umiiyak.
Wala kasi ako sa bahay.
Hindi na kasi ako babalik
kailanman
*Para kay Ging ging
na nang umuwi galing sa trabaho.
May dalang pasalubong: fried
chicken at french fries
ng Jolibee.
Sayang dahil wala ako sa bahay.
Hindi ko nakain ang pasalubong
ni Papa.
Nalungkot ako: si Papa, umiiyak.
Wala kasi ako sa bahay.
Hindi na kasi ako babalik
kailanman
*Para kay Ging ging
Thursday, March 24, 2011
Gatas
Walang magawa si Agnes kundi haplusin ang dibdib
ng nakababatang kapatid na si Ben sa tuwing
susumpungin ng sunudsunod, tuyot na ubo.
Naalaala niya minsan, "Ate, gusto ko ng gatas. Matagal
na 'kong di nakakainom nu'n. Ibili mo 'ko Ate
Agnes," hiling sa kanya ni Ben.
Wala na 'kong trabaho, Ben. Gusto niyang sabiihin.
Lumabas siya ng bahay. Nangutang. Walang
nagpautang sa kanya.
Nakita niya si Julie. Maikli ang suot na hapit
na palda. Luwa ang may kaputiang dibdib. Makapal
ang kolorete sa mukha. Nagmukhang bakla ang itsura.
Bigla, naalaala niya si Ben.
Dinadalahit ng tuyot na ubo. Nakahiga sa sahig
na nasasapnan ng manipis na karton ng noodles.
Balot ng marumi't sirang kumot.
Animo kalansay ang butuhang katawan ng kapatid.
Madaling-araw nang siya'y umuwi.
May dalang gamot. Spaghetti. Mansanas at isang
karton ng gatas.
Sinalubong siya ng ngiti ng nakahiga
sa kartong kapatid.
Nagtimpla siya ng gatas.
Akmang iaabot niya ang baso sa kapatid
nang biglang mabitiwan niya iyon.
Nabasag. Pinulot niya ang nabasag na baso.
Biglabigla, nahiwa siya niyon.
Tumulo ang dugo sa sahig. Sumangkap
iyon sa putingputing kulay ng gatas.
ng nakababatang kapatid na si Ben sa tuwing
susumpungin ng sunudsunod, tuyot na ubo.
Naalaala niya minsan, "Ate, gusto ko ng gatas. Matagal
na 'kong di nakakainom nu'n. Ibili mo 'ko Ate
Agnes," hiling sa kanya ni Ben.
Wala na 'kong trabaho, Ben. Gusto niyang sabiihin.
Lumabas siya ng bahay. Nangutang. Walang
nagpautang sa kanya.
Nakita niya si Julie. Maikli ang suot na hapit
na palda. Luwa ang may kaputiang dibdib. Makapal
ang kolorete sa mukha. Nagmukhang bakla ang itsura.
Bigla, naalaala niya si Ben.
Dinadalahit ng tuyot na ubo. Nakahiga sa sahig
na nasasapnan ng manipis na karton ng noodles.
Balot ng marumi't sirang kumot.
Animo kalansay ang butuhang katawan ng kapatid.
Madaling-araw nang siya'y umuwi.
May dalang gamot. Spaghetti. Mansanas at isang
karton ng gatas.
Sinalubong siya ng ngiti ng nakahiga
sa kartong kapatid.
Nagtimpla siya ng gatas.
Akmang iaabot niya ang baso sa kapatid
nang biglang mabitiwan niya iyon.
Nabasag. Pinulot niya ang nabasag na baso.
Biglabigla, nahiwa siya niyon.
Tumulo ang dugo sa sahig. Sumangkap
iyon sa putingputing kulay ng gatas.
Trahedya*
Ibinurol siyang malayo sa kanilang
bahay. Sabi ng marami, malaking
kahihiyan ang pagpapakamatay
niya.
Naglaslas ng pulso! Uminom ng silver cleaner!
Ilang buwan na lang tapos na niya ang hayskul.
Pinagalitan ng titser niyang matandang bading.
Ipinahiya rin ang kanyang mahal na ama.
Hindi raw siya pagtatapusin!
Labis niyang dinamdam: paninigaw, pagpapahiya
ng titser niyang matandang bading.
Ibinurol siyang malayo sa kanilang bahay.
Ibinurol at inilibing siyang ikinahihiya
ng maraming nakakikilala.
*Para kay Ging Ging
bahay. Sabi ng marami, malaking
kahihiyan ang pagpapakamatay
niya.
Naglaslas ng pulso! Uminom ng silver cleaner!
Ilang buwan na lang tapos na niya ang hayskul.
Pinagalitan ng titser niyang matandang bading.
Ipinahiya rin ang kanyang mahal na ama.
Hindi raw siya pagtatapusin!
Labis niyang dinamdam: paninigaw, pagpapahiya
ng titser niyang matandang bading.
Ibinurol siyang malayo sa kanilang bahay.
Ibinurol at inilibing siyang ikinahihiya
ng maraming nakakikilala.
*Para kay Ging Ging
Recollection*
Recollection. Mga labinlima kaming magkakaklase.
Ilarawan ang kanyakanyang pamilya
sa iginuhit na puno.
Guhit dito, guhit doon.
Pagkatapos,
Ipaliwanag ang iginuhit na puno. Sino
si Nanay, si Tatay, si Kuya, si Ate, si Bunso,
at sino ikaw.
Nagitla ang lahat.
Si Jennylyn, nagmumura.
Pinuputang ina niya ang kanyang ama.
Bata pa lang siya, ginagahasa na siya
ng kanyang ama.
Para kay Jennylyn
Ilarawan ang kanyakanyang pamilya
sa iginuhit na puno.
Guhit dito, guhit doon.
Pagkatapos,
Ipaliwanag ang iginuhit na puno. Sino
si Nanay, si Tatay, si Kuya, si Ate, si Bunso,
at sino ikaw.
Nagitla ang lahat.
Si Jennylyn, nagmumura.
Pinuputang ina niya ang kanyang ama.
Bata pa lang siya, ginagahasa na siya
ng kanyang ama.
Para kay Jennylyn
Sunday, March 20, 2011
Balisa
Balisang-balisa si Padre Miguel nang matapos
ang kanyang misa.
Hindi siya mapakali. Nagkulong siya sa kanyang kuwarto.
Ayaw niyang paistorbo.
Hinubad niya ang kanyang abito. Nilapag
sa mesang napapatungan ng salamin at nagpalit
ng damit.
Hindi niya makalimutan. Isang maputi, makinis na dalaga.
Sinubuan niya ng ostiya kangina.
Pansin niya ang mabilog, malusog na dibdib
ng dalaga.
Dumukot siya sa harap ng kanyang pantalong
pambahay. Di nagtagal, nagsalsal. Inalaala
ang maputi, makinis na dalaga.
Mayamaya, tumalsik ang tamod sa kanyang hinubad na abito.
Nanay, Tatay
Mga walong taon ang edad nila. Magpinsan.
Nasa loob sila ng traysikel. Naglalaro.
Silang dalawa ang nanay at tatay. Ang dalawa
pang kalaro ay mga anak. Inuutusan nilang
dalawa ang kanilang mga anak na manguha
ng nangalaglag na mga hinog na sampalok.
Ang mag-asawa, panakaw na naghihipuan
sa loob ng traysikel.
Si Mama*
Huling lamay ng patay. Malungkot ang pamilya
ng namatay. Humahagulgol na nagsasalita
ang bunsong anak na babae sa hawak
na mikropono.
Mahal na mahal ko si Mama. Mahal na mahal
ko siya. Maraming magbabago ngayong wala
na si Mama.
Hagulgol. Hagulgol. Hagulgol.
Sa di kalayuan: Maiingay
ang mga nakikipaglamay. May nagbabaraha,
may nagkukuwentuhan at may nag-iinuman
may nagkukuwentuhan at may nag-iinuman
sa tabi.
Maingay ang lahat maliban sa pamilya
ng namatay. Tahimik at malungkot. Mugto
ang mga mata.
Kinabukasan, ililibing ang ina. Pag-uwi nila,
walang ilaw sa kanilang bahay.
walang ilaw sa kanilang bahay.
*Para kay Ana
Saturday, February 26, 2011
Pag-ibig sa Langit*
Isang taon na rin ang nakararaan ngunit malinaw pa rin sa alaala ang mga nangyari. Enero nang nakaraang taon nang makilala ko siya. Noong una’y parang isa lamang siya sa tipikal na mga kolehiyalang aking tinuturuan (hindi pa ako propesor, ojt pa lamang) ngunit nang malao’y nagkamali ako.
Isang umaga nang mapansin ko siya at ang kakatwang pakiramdam ko nang pinagagalitan ko siya dahil sa hindi kagandahang presentasyon ng kanilang grupo. Siya lamang ang may lakas ng loob na mangatwiran sa akin kung bakit ganoon ang kinalabasan ng kanilang presentasyon.
Na-guilty ako sa mga pinagsasabi ko sa grupo nila. Mula noon, inayos ko na ang pagsasalita ko sa kanila. Mula rin noon, naging interesado ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ang alam ko, may tinamaan sa akin na naghudyat ng kapangahasan.
Di nagtagal, inumpisahan ko ang modus. Iyong tipikal na paraan para makilala ang isang babae. Malakas ang loob ko sapagkat ako ang student teacher nila at sa akin na pinahawak ni Ma’am ang kanilang klase.
Bago matapos ang klase, hiningi ko ang cellphone number niya, na ang paliwanag ko ay sakaling maaatraso ako ng dating o hindi ako makakapasok, masasabihan ko siya para ipaalam sa buong klase.
Nakuha ko ang cellphone number niya.
Kinagabihan, nag-text ako sa kanya (alam na kung saan papunta ang mga pasaring ko) hanggang sa magkalapit ang loob namin sa isa’t isa.
Siya si Mitch. 5’4 ang taas. Maputi. Lampas balikat ang malambot, mabangong buhok. Nangingislap ang mabibilog na mga mata. Sa kabuuan, napakaganda niya!
Inaya ko siyang lumabas. Mamasyal, kumain, at manood ng sine. Masaya. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya nang araw na iyon. Lalo na nang yumakap siya at hinawakan ang aking kamay. Masaya kaming dalawa nang araw na iyon. Di naglaon, mahal na namin ang isa’t isa.
Memorable sa akin ang isang Mall sa daang Pedro Gil sa Maynila. Kaya sa pngalawang pagkakataon, doon pa rin kami pumunta para manood ng sine. Pagkatapos naming manood ng sine, dumiretso kami sa bahay namin. Pinakilala ko siya sa nanay ko. Kumain din kami sa bahay bago umalis.
Mag-aalas-otso nang umuwi siya. Hinatid ko siya hanggang sa sakayan ng pa-Monumento sa Dibisorya. Habang nasa biyahe kami papuntang Dibisorya, nasabi niya sa akin na:
“ Sana lumala lalo ang trapik.”
“ Bakit?” patangang sabi ko.
“ Para mas matagal pa kitang makasama ngayon,” sabay yakap niya sa akin.
Nangiti ako. Sana nga, naisaloob ko.
Hindi naglipat-buwan, nagkaroon ng problema na humantong sa paghihiwalay.
Masakit!
Pinili niya ang nakaraang karelasyon. Sabi niya’y sa awa na lang at hindi sa pagmamahal. Natatakot siyang mapariwara ang buhay ng gagong iyon. Tinanggap niya ang alok ng damuho!
Ang sakit!
Pinagpalit ka sa awa! Putang inang buhay ‘to!
Sobrang sakit!
Ano ang laban ko? Mahigit tatlong taon niyang kasama ang tarantado samantalang ako, mahigit tatlong linggo lang. Alam ng loko ang bahay nila at ligal silang dalawa sa magulang niya samantalang ako, hindi ko alam ang bahay nila at iligal pa kaming dalawa.
Di nagtagal, humantong ako sa basurahan.
Ilang linggong hagulhol. Ilang linggong tulala’t masama ang pakiramdam.
Bawat minuto, nagsasalimbayan sa aking utak ang mga araw ng aming pagsasama.
Dinaig ko ang ilang taong pagsasama. Kasingsakit ang naramdaman ko tulad sa mga naghihiwalay na tatlong taon ang ipinundar.
Pinangarap kong isang umaga, ipagluluto niya ako ng almusal. Ang matulog nang sabay at gumising sa umagang magkasama at kumain magkasama.
Pinangarap ko ring magkasakit (kaso hindi nangyari, sayang!) para bilhan niya ako ng gamot at pagkain at alagaan hanggang sa gumaling. Pinangarap ko ngunit hindi natupad. Naisip kong huwag masyadong mangarap. Mahirap at masakit kapag napurnada!
Mabuti pa silang mga nagtagal nang ilang taon pagkat naranasan nila. Ako, hindi.
Di naglaon, pinunit at itinapon ko ang picture niya. May hatid na kirot ang kanyang matatamis na ngiti at matalim na titig. Ang natirang alaala niya na mahahawakan ng kamay ko ay isang maliit na piraso ng papel ( ebalwasyon niya sa pagtuturo ko sa kanilang klase) na nakasulat ang ganito:
Negative
-mainitin ang ulo.
-lakad nang lakad.
Positive
-mabait naman minsan.
-malapit sa estudyante kahit sa ilan-ilan.
-maayos magturo.
Mensahe
-Sir, ingat ka! Salamat sa lahat, hinding-hindi kita makakalimutan kahit sa’n ka mapunta… God Bless You. GOODLUCK JACK!
Mitch
At sa huli, naisaloob kong matatag at matibay pa rin ang aking kulungan.
*tugon sa panawagan ng isang kaibigang makata na sulatin pa rin ang karanasang ito.
Wednesday, February 9, 2011
Midya sa Larangan ng Manipulasyon
All media works us over completely. They are so pervasive in their personal, political, economic, aesthetic, psychological, moral, ethical, and social consequences that they leave no part of us untouched, unaffected, unaltered. The medium is the massage. Any understanding of social and cultural change is impossible without the knowledge of the way the media work as environments.—McLuhan & Fiore.
Ayon kina McLuhan at Fiore, kinokontrol at minamanipula ng midya kung paano mag-isip at kumilos ang tao. Kung paano nila pasunurin ang pag-iisip ng tao sa mga bagay at usaping panlipunan*. Pansinin ang ibinabandilang mga programa sa telebisyon, kung hindi paglangoy sa pantasya’t kababalaghan, ay pagmudmod ng salapi sa malawak na bilang ng mahihirap kapalit ang kanilang katatawanan sa harap ng kamera na iyong masayang pinanonood sa telebisyon tuwing umaga, tanghali, hapon at gabi. Inilalayo ng midya ang iyong pag-iisip na ikaw, mula’t sapul, ay ginagahasa ng mapagsamantalang kapitalista’t panginoong maylupa at pinababayaan ng inutil na pamahalaang pinamumunuan ng tiwaling mga pinunong bukas-palad na inaanyayahan ang malalaking negosyanteng dayuhan na pagsamantalahan ka’t babuyin ang buong bansa.
Kung kaya’t ang iyong pag-iisip ay nakatali sa panginoring ang dayuhang mga negosyante ang makatutulong sa ating bansa upang umunlad ang ating ekonomiya. Iniisip mo ring malaking tulong sa mahihirap ang mga programa sa telebisyong nagbibigay ng papremyo sa katatawanang pinagagawa sa mga contestant--- ang pag-iyak at pagbukas sa kanilang personal na buhay. At sabihin pa, nasasabi mo palagi ang mga katagang “mas mabuti pa nga ang mga iyon (panonood tungkol sa mga programang eskapista) dahil ang balita sa radyo, diyaryo at t.v., ay pulos krimen. Nakakasawa na. Paulit-ulit na lang.” di nga kasi, iyon ang layunin ng midya---ipalaganap ang pangit na mga balita upang ibaling nang sapilitan nang hindi mo namamalayan na nahuhumaling ka na sa panonood ng mga programang tungkol sa pambihirang mga nilalang na may pambihirang kapangyarihan na magliligtas sa buong mundo sa kasamaan at pagkawasak, sa mga maligno’t kababalaghan at marami pang katulad na programa.
Halimbawa, ang programang Willing Willie ng TV 5 tuwing gabi. Pansinin ang bawat bahagi ng game show. Kung gusto mong manalo o di kaya’y mabigyan nang mas malaking papremyo, gawin mo munang katawa-tawa ang sarili. Mas nakakatawa, mas malaki ang perang ibibigay sa iyo. Hindi pa kasama riyan ang pagluha mo dahil sa pagkukuwento mo ng iyong personal na buhay.
Kaibigan, kung may balak kang sumali sapagkat wala nang makain ang iyong pamilya’t kailangang ipatingin sa doktor ang maysakit na anak, mag-isip-isip ka muna.
Sunod ang programang Pidol’s Wonderland kung saan iba-iba ang bawat istorya kada linggo. Hango sa Mga Kuwento ni Lola Basyang. Ikinukuwento ni Dolphy ang bawat istorya na ang katapusan ay kapupulutan ng aral. Pansinin ang bawat istorya. Tungkol sa may kapangyarihang walis, bibeng nagiging tao, nagsasalitang manika, mga engkantada, mahiwagang kuwintas na tuwing isusuot ay nagpapaganda sa bidang babae at marami pang iba na sa hinagap ay di lamang madampian ng realidad.
Sa channel 7, sikat ang programang Machete. Tungkol ito sa bidang si Machete na nabuhay ilang daan taon ang nakalilipas at nagbalik mula sa kamatayan upang ipagpatuloy ang kanya o kanilang pagmamahalan ni Aginaya—ang kanyang kasintahan. Paano nangyari? Ayon sa istorya, inukit mula sa punongkahoy ang kabuuan ni Machete at sa hindi mapaniwalaang kapangyarihan, nabubuhay o nagiging tao muli si Machete tuwing gabi lamang upang hanapin ang kasintahan na na-reincarnate naman.
Ang programang Alakdana, tungkol sa isang dalaga na isinilang na may buntot ng alakdan. Paano nangyari? Hindi ipinaglihi sa alakdan kundi nakagat ang kanyang ina ng isang gintong alakdan at ang kamandag nito ang nagresulta ng kanyang buntot. Lumalabas ang kanyang buntot sa tuwing siya ay nagagalit.
At ito pa ang isa, ang programang Dwarfina. Tungkol sa kalahating duwende at kalahating tao. Kasama riyan ang mga duwendeng may iba’t ibang kapangyarihang pinaniniwalaang nagbibigay ng sumpa sa sinumang gumambala o hindi rumespeto sa kanilang kaharian.
Ilan lamang iyan sa mga programang nagbababad sa pantasya’t kababalaghan na kung susurii’y pambubulag sa mamamayan upang hindi maghimagsik sa abang kalagayang patuloy na nagpapahirap, isama pa ang patuloy na pagsipsip ng laman at dugo ng mga kapitalista’t panginoong maylupa sa bata-batalyong mahihirap sa bansa.
Sa mga pahayagan, bidang-bida ang hubad na larawan ng mga babae upang gamiting kasangkapan para mabili o mabenta ang diyaryo. Pambusog sa mga mata, ‘ika nga. Pansinin, mabenta ang mga diyaryong may hubad na larawan ng mga babae kaysa sa mga diyaryong walang pang-akit ng mata. Kaya lahat ng tabloid, pulos hubad na larawan ang nakabuyangyang sa harap na pahina. Mulang Toro’t Remate hanggang X- files at People’s Tonight.
Ano ang mababasa sa mga iyan? Mga patayan, holdapan, pambobomba’t iba pa. Nariyan din ang mga istorya tungkol sa mga artista na pawang walang kabuluhan kundi usapang nakasisira ng ulo tulad ng pagkatulala ni Eugene Domingo sa halikan nila ni Richard Gutierrrez sa kanilang pelikula, ano ang masasabi ni ganoon at ganito sa tambalang ganyan at ganire?, at mga blind item ng paboritong artista.
Sa panonood mo ng mga iyan, wala sa isip mo na may nangyayaring news blackout. Ito ang mga halimbawa na wala kang kaalam-alam kundi mangarap na sana’y magkaroon ka ng kapangyarihan tulad ng kay Darna’t Captain Barbell at pagpantasya’t pag-idolo sa hinahangaang mga artista.
Umpisahan natin sa isyu ng Diwalwal sa Compostela Valley---ang pinakamalaking minahan ng ginto sa bansa. Ayon a pag-aaral at masusing obserbasyon ni Edgardo Reyes, isang kilalang manunulat ng bansa, maraming anomalya ang nangyayari sa Diwalwal^.
Una na rito ang laganap na panggagahasa sa nasabing lugar---ang walang habas na pagbubutas sa bundok at paggamit ng mercury: isang nakalalasong kemikal na ginagamit upang maihiwalay ang mga lupa’t bato sa ginto. At ang malawakang pagpuputol ng punong kahai upang gamiting haligi sa mga tunnel. Ano ang ginagawa ng DENR? Bakit hindi ito naibabalita?
Ikalawa, ang laganap at ligal na bentahan ng malalakas na kalibre ng baril at pagdadala nito na nagmula pa sa militar at PNP. Nasaan ang militar at kapulisyahan? Taga-benta na lamang ba ng baril sa Sityo Diwalwal? At ang laganap na private army ng mga negosyanteng nagmamay-ari ng mga tunnel sa bundok.
Ikatlo, ang daan-daang namamatay sa pagguho ng lupa. Ayon sa balita, 3,4,5 tao ang patay sa pagguho ng lupa ngunit ang totoo, daan-daan ang nalilibing nang buhay sa loob ng mga tunnel. Ano ang alam ng mga tao hinggil dito? Wala. Nasaan ang midya? Ano ang baliuta? Wala.
Nito lamang Oktubre ng nakaraang taon, naganap ang malawakang tanggalan ng mga empleyado ng ABS-CBN kasabay nito ang kanilang panawagan sa agarang pagtatayo ng kanilang piketlayn sa labas mismo ng nasabing network. 115 na manggagawa ang tinanggal ng ABS-CBN . Magpahanggang ngayon ay nakatayo pa rin ang kanilang piketlayn at patuloy pa rin silang nakikibaka sa kanilang mga karapatan. Kahit kaluskos man lamang ng balita tungkol dito ay walang nakarinig. Anumang istasyon ng telebisyon, radio at pahayagan ay nananatiling sarado sa isyung ito. Kasama ba sa batas ng pamamahayag ang pag-iwas sa isyu ng mga manggagawa ng ABS-CBN?
Bakit nakakunot ang noo mo kaibigan? Hindi mo ba alam ang mga nangyayari? Hahayaan mo bang malunod ka sa pantasya na pinaiigting ng midya? O aahon ka na, mag-iisip at kikilos para baguhin ang namamayaning manipulasyon sa iyo ng midya?
*McLuhan, Marshall & Fiore, Quentin: pg. 41, The Medium is the Massage, an Inventory of Effects.(USA: Bantam Books, Inc., 1967)
^Reyes, Edgardo M. : Diwalwal, Bundok ng Ginto. (C & E Publishing, Inc., 2009)
Thursday, January 6, 2011
Karoling*
Nanunuot sa buto ang lamig na dala ng hangin ng Disyembre. Animo’y nilalamig ang mga barungbarong na tila mga yayat, nanlilimahid na katawan. Walang kumot na magtataboy ng lamig kundi ang nagmamasid na buwan at ang luma’t bitakbitak na tulay.
“ Alis muna ‘ko ‘Nay,” sabi ni Mary Jean sa kanyang ina na nagbabanlaw ng mga damit na nasabunan na. “ Mangangaroling lang po ako,” pagkaraa’y sabi niya.
“ Umuwi ka agad. ‘Wag kang masyadong lumayo,” tugon ng kanyang ina habang pinipiga ang isang pantalong maong.
Hawak ni Mary Jean ang dalawang pirasong kutsara at nagmamadaling lumabas ng bahay. Tinalunton ang gilid na daang paakyat sa tulay, sa pambansang lansangan ng Pasay.
Hindi pa man siya nakalalayo ng tulay ay sinimulan na niya ang pagbabahay, ang pag-awit ng pamaskong awitin kasabay ang pagpalo ng dalawang kutsara.
Sa may bahay ang aking bati
Meri krismas na mal’walhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Arawaraw ay magiging Paskong lagi
Hindi siya binigyan ng pera pagkaraan. Lakad siya uli. Hinto sa bahay na naiilawan ng christmas lights ang bintana. Sunudsunod na palo ng dalawang kutsara, kanta. Patawad, sabi ng may-ari ng bahay. Lakad siya uli. Hinto sa pang-apat na bahay. Sunudsunod na palo ng dalawang kutsara, kanta. Mayamaya’y lumabas ang isang batang babaing kaedad niya. Inabutan siya ng limampiso.
Tengk yu! Tengk yu!
Ang babait ninyo, tengk yu!
Siya si Mary Jean. Labing-isang taong gulang. Maikli ang buhok. Payat. Bilugan ang mukha at mga mata.Nakatira siya kasama ang mga magulang at nakababatang kapatid sa ilalim ng tulay. Barangay tanod ang kanyang ama samantalang labandera naman ang kanyang ina.
Nakangiti siyang muling nagbahaybahay. Ganado siya ngayon. May limampiso na siya! Mas malakas at mas masigla siyang pumalo ng dalawang hawak na kutsara at kumanta.
Hindi siya binigyan ng pera pagkaraan. Lakad siya uli. Hinto sa bahay na naiilawan ng christmas lights ang bintana. Sunudsunod na palo ng dalawang kutsara, kanta. Patawad, sabi ng may-ari ng bahay. Lakad siya uli. Hinto sa pang-apat na bahay. Sunudsunod na palo ng dalawang kutsara, kanta. Mayamaya’y lumabas ang isang batang babaing kaedad niya. Inabutan siya ng limampiso.
Tengk yu! Tengk yu!
Ang babait ninyo, tengk yu!
Siya si Mary Jean. Labing-isang taong gulang. Maikli ang buhok. Payat. Bilugan ang mukha at mga mata.Nakatira siya kasama ang mga magulang at nakababatang kapatid sa ilalim ng tulay. Barangay tanod ang kanyang ama samantalang labandera naman ang kanyang ina.
Nakangiti siyang muling nagbahaybahay. Ganado siya ngayon. May limampiso na siya! Mas malakas at mas masigla siyang pumalo ng dalawang hawak na kutsara at kumanta.
Sa may bahay ang aking bati
Meri krismas na mal’walhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Arawaraw ay magiging Paskong lagi.
Malayulayo na siya sa tulay kaya’t naipasya niyang umuwi na sapagkat ilang bahay na rin ang kanyang napamaskuhan at bilin din ng kanyang ina na huwag siyang lumayo.
Habang naglalakad sa gilid ng kalsada, binilang niya ang mga barya sa kanyang bulsa. Disi-otso pesos. Isang limang pisong barya at pulos mamiso na ang iba. Binalik niya muli sa kanyang bulsa pagkaraan.
Bago niya nasapit ang tulay, sinalatsalat muna niya ang mga barya sa kanyang bulsa. Malamig ang mga iyon. Pagpasok niya ng bahay ay nakita niyang nag-iisa ang kanyang nakababatang kapatid.
Mayamaya’y dumating din ang kanyang ina. May dalang bagong bestida at tsinelas.
“ Binili ko sa iyo, ‘nak,” sabi ng nanay niya habang inaabot sa kanya ang bagong bestida’t sinelas.
“ Tengk yu, ‘Nay,” nakangiti niyang sabi.
Tuwangtuwa siya. May maisusuot na siya sa Pasko. Kasi nga, tuwing darating ang Pasko, laging pinaglumaan ng anak ng amo ng kanyang ina ang suot niya. Sa Pasko, may ma’susuot na ‘ko, naisaloob niya.
“ Pa’no po si Ben, ‘Nay?” mayamaya’y tanong niya. Tinutukoy ang nakababatang kapatid.
“ Bukas ko siya ibibili. Bukas pa kasi ang bayad sa nilabhan ko kanina.”
Dinukot niya ang mga barya sa kanyang bulsa at ibinigay lahat iyon sa kanyang ina.
“ Isukat mo nga anak kung kasya ang nabili ko sa iyo,” utos ng kanyang ina.
Nagmamadali niyang isinuot ang bestida pati ang tsinelas.
“ Tama lang pala sa iyo anak, e.”
Kinabukasan, masayang ipinamalita ni Mary Jean ang kanyang bagong bestida at tsinelas sa mga kalaro.
Pagsapit ng alas-sais ng gabi, sinimulan na niya ang pangangaroling. Malapit nang magpasko, kailangan ko pang makapag-ipon para may makain kami sa Pasko, naisaloob niya.
Ilang pirasong lata ng sardinas, miswa, mumurahing pasta at isang pakete ng sarsa ng spaghetti ang naipon niya sa pangangaroling.
Sana makarami ako ngayon, naibulong niya sa sarili. Ilang araw na lang ay Pasko na! Nagbahaybahay na naman siya. Ilang beses na narinig ng paligid ang kanyang sunudsunod na pagpalo ng dalang kutsara at ang kanyang pagkanta.
Sa may bahay ang aking bati
Meri krismas na mal’walhati
Ang pag-ibig ang siyang naghari
Arawaraw ay magiging Paskong lagi.
Nakarami nga siya pagkaraan ng ilang pagbabahay. Beinte-siyete pesos. Tatlong limampisong barya, sampung mamiso at walong beinte-singko sentimos.
Nang malapit na siya sa tulay, patakbo siyang bumaba ng tulay patungo sa kanilang bahay. Hawak niya sa kaliwang kamay ang dalawang kutsara. Ilang hakbang na lamang at nasa bahay na siya.
Di-kalayuan sa kanya, nakabitin sa pagkakaturnilyo ang isang malaki, mabigat na sirang tubo ng tubig. Tumalsik ang tubo sa sobrang lakas ng daloy ng tubig. Tumama’t bumagsak sa kanyang ulo ang malaki, mabigat na tubo ng tubig. Nabasag ang kanyang bungo pati ang sementadong sahig. Kumalat ang kanyang dugo sa sahig, ang dalawang hawak na kutsara, ang mga barya sa kanyang bulsa.
Ilang araw na lang at Pasko na. Maisusuot na niya ang bagong bestida’t sinelas na ibinigay sa kanya ng kanyang ina.
*Alay kay Mary Jean G. Suela (Disyembre 22, 2010 R.I.P), 11 taong gulang na nabagsakan ng malaking elbow pipe sa ulo pauwi galing sa pangangaroling.
Disyembre 24, 2010
Tundo, Maynila
Subscribe to:
Posts (Atom)